Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 53 NG 280

PAGKAMAYGULANG NA ESPIRITWAL

Maghinakay. Takdang aralin. Laro. Pag-aaral ng pagsasayaw. Ang ating araw ay punung-puno ng mga gawain sa ating pagsusumikap na matugunan ang mga pangangailangan bilang mga magulang. Ngunit minsan sa dami ng mga gawaing ito nawawala ang ating paningin sa mahahalagang sangkap para sa makadiyos na pagmamagulang—na naglilinang sa ating kaugnayan sa isang buhay na Diyos. Nagkakaroon ka ba ng espiritwal na paglago, o hinayaan mo na bang ang pang-araw-araw na mga gawain ay masiksik palabas ang iyong panahon para sa Diyos? An pinakadakilang handog na maibibigay natin sa ating mga anak ay ang isang halimbawa ng isang malalim na relasyon sa Diyos at ang pagnanais na malaman ang Kanyang katotohanan. Ang "matigas na pagkain" ng espiritwal na paglago ay aapaw sa inyong pagiging magulang habang kumakatok tayo sa karunungan ng Diyos.

Lumago sa pagkamaygulang na espiritwal sa pamamagitan ng pag-una sa pagkakaroon ng panahon sa Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 52Araw 54

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com