Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
PANGUNGULIT
Kinulit ni Delilah si Samson hanggang sa kalaunan ay isiniwalat nito ang sikreto ng kanyang lakas. Ang mga katagang "mamatay sa inis" ay buod ng kahihinatnan ng pangungulit, tama? Minsan, para lang sa panandaliang katahimikan, pinagbibigyan natin ang mga hiling ng ating mga anak kahit na alam nating hindi ito ang pinakamabuti sa kanila. Kaya lang, may kapalit iyon dahil ginantimpalaan natin ang mismong pag-uugali na gusto nating alisin sa kanila.
Maaaring mahusay ding mangulit ang mga magulang. Isang dahilan na nauuwi tayo sa pangungulit ay dahil mas madali ito kaysa maglaan ng mga konsikuwensiya. Ngunit marapat natin tanungin ang sarili kung ang panandaliang ginhawa mula sa pagkabahala ay nagreresulta nga ba sa ugali na gusto nating mabuo sa ating mga anak?
Napipinsala ang maayos na samahan kapag nangungulit tayo. Hindi rin ito isang pag-uugali na magtuturo ng paggalang at maaaring maging sanhi upang ang ating mga anak ay "mamatay sa inis" sa atin. Kahit na mahirap magpataw ng mga konsikuwensiya nang may pang-unawa, labis na mas may konsiderasyon itong paraan ng pagtrato sa ating mga anak.Ang pagpapataw ng mga konsikuwensiya nang may pang-unawa ay labis na mas epektibo kaysa pangungulit.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com