Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
PAG-USAPAN ANG DIYOS
Ang Diyos ba ay bahagi ng pang-araw-araw na pakikipag-usap sa inyong mga-anak? O parang pilit at nakakailang ang mga espiritwal na paksa? Ang mga bagay na ating pinapahalagahan ay makikita sa ating paglalaan ng panahon, salapi at ating pananalita. Kasing-halata ba ng alab mo para sa isports, matataas na grado o pagbabakasyon ang alab mo para sa Diyos?
Kapag ibinabahagi natin ang karunungan ng Diyos sa bawat sandali, sa bawat hatid at sundo sa kanila, tuwing almusal, nabibigyang-buhay ang mga aral sa Biblia. Hindi mabilang ang mga pagkakataong mayroon tayo upang mailarawan ang katotohanan ng Kanyang Salita. Kapag ipinapakita natin na Siya ay may kaugnayan at kailangang-kailangan sa pang-araw-araw na buhay natin, hinihimok natin ang ating mga anak na isulat din sa kanilang mga puso ang katotohanang ito.
Ipakita ang inyong pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa inyong mga anak tungkol sa impluwensiya Niya sa inyong buhay.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com