Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
MGA MAINAM NA LIMITASYON
Ang mga batas na ibinigay sa mga Israelita ay maaaring tila nakakalula at napakahirap para sa atin. Ang mga tinakda ng Diyos ay sumaklaw sa lahat mula sa mga tungkulin ng mga pari hanggang sa pangangalaga ng balat. Ngunit hindi ito para lang sa labis na kontrol. Papasok na ang mga Israelita patungo sa ilang at alam ng Diyos na maraming patibong at tukso ang kakaharapin nila. Ang mga regulasyon na iyon ay pagpapadama ng Kanyang pagmamahal at kagandahang-loob na tutulong sa kanilang magtagumpay bilang isang bayan.
Gayon din, alam natin ang mga patibong na naghihintay sa ating mga anak sa kanilang paglalakbay tungo sa sapat na gulang. Dahil mahal natin sila at gustong protektahan, nagtatalaga tayo ng mga limitasyon. Alam natin na wala pa silang sapat na isip at karunungan upang magtalaga ng mga limitasyon para sa kanilang mga sarili. Kapag nahihirapan kang panindigan ang iyong mga limitasyon, tandaan ang halimbawa ng Diyos sa mga Israelita. Ang mga matatag na limitasyon ay nagpapahiwatig ng pagmamahal at nagpapatibay ng katiwasayan.
Ang mga mainam na limitasyon ay nagsasabi sa inyong mga anak na mahal ninyo sila.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com