Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 36 NG 280

MAPAYAPA

Napanulukan ng dagat, sindak sa takot ang mga Israelita habang papalapit ang mga humahabol na Egipcio. Si Moises lamang ang nanatiling kalmado at hinimok nito ang mga tao na huwag matakot. Hinamon niya silang pumayapa at pahintulutan ang Panginoon na lumaban para sa kanila.

Sa pagpapalaki ng ating mga anak, mararanasan din natin ang mga nakakasindak na situwasyon. Kung wala tayong matibay na pundasyon ng pananampalataya, maaari tayong madaig ng takot at matuksong kumilos nang padalus-dalos. Bagkus, inuutusan tayo ng Diyos na sandaling huminto at hanapin ang kanyang gabay. Pinaaalalahanan Niya tayong ang laban ay Kanya. Malinaw na kailangan nating dumepende sa karunungan ng Diyos imbis na sa sa ating sarili. Minsan ang pinakamahirap gawin ay ang maging payapa.

Kapag nahaharap sa mahihirap na situwasyon sa pagiging magulang, hanapin muna ang gabay ng Diyos bago kumilos. At, pahintulutan na Siya ang gumawa.

Banal na Kasulatan

Araw 35Araw 37

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com