Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
ANG WALANG HANGGANG PLANO NG DIYOS
Napagtagumpayan ni Jose ang masasamang intensiyon ng maraming tao—ng mga kapatid niyang ipinagbili siya bilang alipin, ng asawa ni Potifar na nag-akusa sa kanya ng kasinungalingan, ng tagapangasiwa ng mga inumin na lumimot sa kanya at ng pitong taon ng taggutom. Ngunit nagamit ng Diyos ang lahat ng mga kaganapang iyon upang mapangyari ang pagsagip sa Israel. Sa mga napagdaanang kabiguan (at tagumpay), nanatili si Jose na may kumpiyansang kontrolado ng Diyos ang lahat.
Hinihimok tayo ng Biblia na tularan ang ganitong pananaw tungkol sa ating mga anak. Siguradong may pagdadaanan silang mga pagsubok at kabiguan—pinsala, sakit, ang matanggihan ng mga kaibigan, mga bagsak na pagsusulit at iba't ibang uri ng pagkakamali. Minsan nagtataka tayo kung talaga bang may plano ang Diyos. Pinaaalalahanan tayo ng kuwento ni Jose na mas makapangyarihan ang Diyos kaysa ating mga kalagayan. Bagama't maaring hindi natin maintindihan ngayon ang pangkalahatang plano Niya; balang araw makikita natin kung gaano kaganda ang kalalabasan ng ihinahabi Niyang mga kaganapan sa buhay natin at sa ating mga anak.
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya (Roma 8:28 RTPV05, dinagdagan ng diin).
Ilampas ang tingin sa mga pagsubok at hintayin ang tugon ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com