Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGSANG-AYON NG MUNDO
Sa sinaunang kultura ng Gitnang Silangan malaki ang pagpapahalaga sa babaeng kayang mag-anak, lalo at ito ay lalaking anak. Ang mga asawa ni Jacob na sina Raquel at Lea ay magkapatid at magkaribal na gumamit ng panganganak (nila mismo o ng kanilang mga aliping babae) upang pataasin ang kanilang pagpapahalaga sa sarili. Mabilis napasama ang kanilang paligsahan at nagsanhi ng mga makasalanang saloobin at gawain dahil nakatuon sila sa pagpapahalaga sa kanilang sarili batay sa pamantayan ng mundo.
Tulad nila, maaari nating itakda ang ating halaga, at ang halaga ng ating mga anak, batay sa mga nagawa o ang abilidad na maangkin ang mga pinapahalagahan ng iba. Kapag sinusukat natin ang ating kabuluhan sa ganitong mga paraan, nagiging alipin tayo sa mga kaisipan at opinyon ng mundo kaysa mga kaisipan at opinyon ng Diyos. Tandaan kung saan ang iyong tunay na pagkamamamayan.
Mapayapa sa iyong pagkakilanlan kay Cristo imbis na habulin ang pagsang-ayon ng mundo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com