Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 30 NG 280

AKTIBONG PAGKAKANDILI

Noong panahon na para mag-asawa si Isaac, nagpadala ng alipin si Abraham upang maghanap ng mapapangasawa nito na kabilang sa mga kamag-anak ni Abraham. Umalis ang alipin mula sa Ur, nagtitiwalang magiging malinaw ang pagpili ng Diyos sa tamang panahon. Ang kanyang misyon ay natupad nang masalubong si Rebeca sa balon. Pansinin ang kanyang tugon, "Pinatnubayan niya ako sa pagpunta sa bahay ng mga kamag-anak ng aking panginoon.” Kamangha-manghang halimbawa ng "aktibong pagkakandili!" Naglakabay and alipin, ngunit nakadepende sa Diyos na papatnubayan siya patungo sa tamang babae.

Sa pagiging magulang, ang "paglalakbay" ay ang tanggapin ang responsibilidad na gumawa ng mga desisyon na makakaapekto sa ating mga anak. Ang pangamba na magkamali ay maaaring bumuyo sa atin na umiwas sa pagdedesisyon, ngunit sa pagiging magulang ay dapat kumikilos. Salamat naman dahil hindi hinihingi ng Diyos na manangan tayo sa sariling karunungan. Kapag inaamin natin ang ating pagdedepende sa Kanya at hinahanap ang Kanyang patnubay at pagpapalakas, nangangako Siyang ipagkakaloob ang mga ito.

Maging mapagkumbaba na hanapin ang kalooban ng Diyos, at pagkatapos ay buong-loob na gumawa ng mga desisyon.

Banal na Kasulatan

Araw 29Araw 31

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com