Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 29 NG 280

TULONG SA PANALANGIN

Ikaw ba ay minsang nahihirapan manalangin? Karamihan sa atin ay oo. Sinasabi sa atin ng siping ito na batid ng Diyos ang ating kahinaan sa bagay na ito. Ang napakagandang balita ay ang Espiritu mismo ang gumagawa upang mabatid ng Diyos Ama ang ating mga totoong pangangailangan.

Ang Espiritu "ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin" upang maipresenta sa Diyos ang ating mga pangangailangan. Tulad ng mag-asawang kayang hulaan ang sasabihin ng isa't isa, alam ng Diyos ang eksaktong hinihiling ng Espiritu para sa atin. Napakalaking kaginhawahan ang malaman na pinupunan ng Espiritu ang ating mga mahihinang panalangin!

Kung ikaw ay may kahinaan sa pananalangin, huwag mawalan ng pag-asa. Ang Espiritu na bumuhay kay Jesus mula sa kamatayan ay nananalangin para sa iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 28Araw 30

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com