Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
PAG-AMIN SA KASALANAN AT PAGSISISI
Noong panahon ng Baha nagpakita si Noe ng pagkamasunurin sa Diyos lubhang mahirap man ng kalagayan niya. Ngunit nagbawa ang kanyang pagkamasunurin nang matuyo na ang daigdig. Sa kasong ito, gumawa si Noe ng alak, nalasing at nakatulog. Nakita siya ng anak na si Ham sa kahiya-hiyang kalagayan at nilibak ang ama sa harap ng kanyang mga kapatid. Nang magising si Noe, isinumpa niya si Ham. Kapuna-puna na bagama't mali si Ham at karapat-dapat na parusahan, tila hindi pinanagutan ni Noe ang kanyang masamang ehemplo.
Bilang mga magulang, marapat na may pagpapakumbabang aminin ang ating mga kasalanan kahit na may bahagi rin ang mga anak natin dito. Kung hindi natin pananagutan ang ating mga pagkakamali at mag-pokus lamang sa kamalian ng ating mga anak, ang ehemplong ipinapakita natin sa kanila ay ang manisi ng iba at gumawa ng palusot. Maiisip nila na hindi kailangang sumunod sa mga patakaran ang mga taong may katungkulan o kapangyarihan.
Ang ating kahandaan na aminin at pagsisihan ang ating mga kasalanan ay magbibigay ng malinaw na halimbawa sa ating mga anak.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com