Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 26 NG 280

MGA BUNGA

Ang plano ng Diyos para sa ating mga anak ay ang matutunan nilang makapagsarili ng paunti-unti hanggang sa sila ay umalis sa ating tahanan upang magsarili. Maaari natin silang tulungang matutunan ang mga kakayahang kakailanganin nila sa kanilang pagtanda kapag hinayaan natin silang makapagpasiya ng naaayon sa kanilang edad, at maranasan din naman nila ang mga bunga ng kanilang pagpapasiya.

Ang pagiging magaling sa pagpapasiya ay isang kasanayan na natututunan, at alam nating magkakamali din ang mga bata habang ginagawa nila ito. Maaaring maramdaman mong kailangan mo silang sagipin sa kanilang mga pagkakamali at mga bunga ng kanilang mga pasiya, sapagkat ayaw na ayaw mong makita silang nasasaktan. Hamunin mo ang iyong sariling magkaroon ng mas malawak na pagtingin at tanungin ang iyong sarili kung alin ang mas masakit — ang hayaan silang magkamali habang nasa ilalim sila ng iyong pag-iingat o ipagpaliban ang pagkakataong matuto hanggang sila ay matatanda na kung kailang mas malaki na ang maaaring maging kahinatnan?

Kapag iyong hinahayaang maranasan ng iyong mga anak ang mga bunga ng kanilang pagkakamali, inihahanda mo silang maging mahusay sa kanilang pagtanda.

Banal na Kasulatan

Araw 25Araw 27

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com