Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
PAGTITIWALA SA DIYOS (PART II)
Ikaw ba ay nag-aalala na ang iyong mga anak ay sumusunod sa landas na hindi tama? Ang sabi ng Diyos ay magtiwala sa Kanya. Mayroon Siyang plano. Ganito ang hinarap na katotohanan ni Habakuk. Ang kaniyang bansa ay malapit nang wasakin dahil sa katigasan ng ulo, ngunit sa kabila ng lahat ay nakahanap siya ng paraang magtiwala at magalak pa sa Panginoon, sapagkat alam niyang hindi kayang maintindihan lahat ang paraan ng Diyos. Alam niyang kumikilos ang Diyos at ang kaniyang trabaho ay maghintay ng payapa at hayaang manaig ang kalooban ng Ama.
Inilarawan ng salmista ang ganitong uring pagtitiwala sa Mga Awit 46:10, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman,kataas-taasan sa lahat ng bansa,sa buong sanlibuta'y pinakadakila.” (Magandang Balita Bible Revised).
Pagkatiwalaan mo ang Diyos --- ang Kaniyang plano ay ganap at walang kapintasan, kahit ito ay taliwas sa sarili nating mga balakin.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com