Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
PAGTIWALAAN ANG DIYOS (PART 1)
Kung aalisin sa tamang konteksto, tila pagpapalakas ng loob mula sa Diyos ang talatang ito. Ngunit ang katotohanan ay sinasabi ng Diyos kay Habakuk na palulusubin na Niya ang mga buktot na taga-Babilonia sa Juda. Ang mga Judio ay malapit nang magapi, sila'y mapapatay o mabibihag at ang templo ay sandali nalang magigiba bilang kaparusahan para sa mga taon ng pagsuway ng Israel.
Gumagawa ang Diyos ng mga kagila-gilalas na mga bagay sa mga kaparaanang hindi natin lubos-akalain. Sa pagiging magulang, gagamitin ng Panginoon ang mga pagsubok na kakaharapin ninyo at ng inyong mga anak sa mga pamamaraang mamangha sa inyo; na "hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo". Ito ay kaaliwan sa atin kapag maling-mali ang pagpili ng ating mga anak, at ang kahihinatnan ay masakit o tila higit sa makakayanan nila. Sabi ni Apostol Pablo, "Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan?" (Roma 11:33)

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com