Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
ANG PANGANIB NG MGA DIYOS-DIYOSAN
Isa sa mga problema sa mga diyos-diyosan ay ang kakayanan nilang maakit tayo sa pamumuhay na nakatalaga sa pagsamba sa kanila. Kapag hanap natin ang buhay na hinahangaan ng mundo, nagiging kawangis na natin ang mga taong nasa landas ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. Sa pagkamit ng salapi, kapangyarihan, kagandahan o kasikatan hindi maiiwasang maihalintulad sa iba na mayroon na ng mga bagay na iyon. Ang ibig sabihin nito ay ang paglihis sa landas ni Kristo, dahil hindi Niya pinapahalagahan ang salapi, kapangyarihan, kagandahan o kasikatan.
Naunawaan ng salmista ang kapangyarihan ng mga diyos-diyosan na baguhin tayo. Iyon din ang pinunto ni Kristo nang sabihin ang, "Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso" (Mateo 6:21). Ang iyong pamumuhay ay halimbawa sa iyong mga anak kung nasaan ang puso mo.
Bigyan ng halimbawa ang iyong mga anak ng pamumuhay na nakatalaga sa Diyos, hindi sa mga diyos-diyosan ng mundo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com