Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 22 NG 280

PAGBABALANSE NG KABUTIHAN (PAGMAMAHAL) AT KABAGSIKAN (KATOTOHANAN)

Nakakawili kung papaanong ilang ulit sa Biblia inilalarawan ang Diyos na may dalawang magkasalungat na katangian. Sa talatang ito, ang mga ito ay kabutihan at kabagsikan. Ang pagmamahal ng Diyos ay ipinapahayag sa Kanyang kabutihan, ngunit hindi lang ito ang Kanyang katangian. Siya rin ay mabagsik sa mga sumusuway. Perpekto Niyang binabalanse ang mga katangian na ito sa pakikipag-ugnay sa Kanyang mga anak.

Tayo ay tinatawagan na tularan ang Diyos sa pakikipag-ugnay sa ating mga anak. Hindi tayo maaaring palaging "mabuti" dahil magkakaroon ng mga panahon ng pagrerebelde at pagsuway sa buhay nila. Hindi tayo maaaring palaging "mabagsik" dahil magreresulta ito sa hinanakit at takot. Ang pagbabalanse ng dalawa ang ating layunin, at pangako ng Diyos na bibigyan Niya tayo ng karunungan para matamo ang balanseng iyan (Santiago 1:5).

Humingi ng karunungan sa Diyos na mabalanse ang kabutihan at kabagsikan sa iyong pakikipag-ugnay sa iyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com