Ang Pagbangon ng KaligtasanHalimbawa
Agnus Dei
Pakinggan ang "Agnus Dei" at pagkatapos ay basahin ang mga sumusunod:
Ang pagiging banal ay pagiging dalisay at perpekto. Walang sinuman sa atin ang perpekto. Ang mga buhay natin ay hindi perpekto. Ang mga tahanan natin ay hindi perpekto. Ang mga anak natin ay hindi perpekto. Ngunit si Hesus, Sya ay perpekto.
Kapag umaawit tayo ng aleluya, tayo ay nagsasabing 'Purihin ang Panginoon." Karapat-dapat nating papurihan si Hesus dahil Siya ay perpekto. Marapat natin Siyang purihin para sa pag-aalay Niya ng kanyang sarili upang tubusin ang ating mga kasalanan. Bago namatay si Hesus, naghahandog ng mga kordero ang mga tao sa Diyos upang pagbayaran ang kanilang mga kasalanan. Wala namang ginawang masama ang mga hayop; sila lamang ay naging sakripisyong alay. Tulad ng isang kordero, si Hesus ang tumubos sa ating mga kasalanan.
Kapag tayo ay umaawit upang ipagdiwang ang lahat ng ginawa at patuloy na ginagawa ni Hesus para sa atin, hindi tayo umaawit mag-isa. Sa Pahayag 5:12, nagtitipon ang mga anghel sa paligid ni Hesus at umaawit, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat
tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, parangal, papuri at paggalang!”
Ilang libong taon na ang nakaraan, nang tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako sa pamamagitan ng pagsusugo ng Kanyang anak na si Hesus, upang mamatay kapalit natin. Tapat ang Diyos noon at hindi nagbago. Kahit gaano pa kagulo ang buhay, ang Diyos ay Diyos pa rin at ang Diyos ay mabuti pa rin. Paano nababago ang iyong pananaw sa mga pangyayari sa iyong buhay nang malaman mo na ang Diyos ay mabuti at Siyang may hawak ng lahat?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tinitingnan ng Salvation Rise ang mga bersikulo kung saan hinango ang mga kanta ng bagong album ng NewSpring Worship. Isinulat para sa mga Cristiano, ang sampung araw na babasahing ito ay pagpupugay kung sino ang Diyos, ano ang Kaniyang mga nagawa, at lahat ng Kaniyang mga plano para sa atin. Pumunta sa https://newspring.cc/music/salvation-rise upang bilhin ang album o i-download ang mga chord chart at mga kanta.<br /><br />
More
Nais naming pasalamatan ang NewSpring Church para sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.newspring.cc