Ang Pagbangon ng KaligtasanHalimbawa

Ang Taas
Pakinggan ang "The Height" at pagkatapos ay basahin ang mga sumusunod:
Kailan mo huling nasilayan ang paglubog ng araw sa dapit-hapon? Naaalala mo ba ang unang beses na nakakita ka ng kabundukan o ng dagat?
Tumitigil tayo at tinititigan ang mga bagay na nakakamangha sa atin. Ang Diyos ay manlilikha ng sining na parating nagpapakita sa atin ng kadakilaan Niya at ng Kanyang mga ginagawa.
Nais ng Diyos na makilala natin Siya; higit pa sa pagnanais nating kilalanin Siya. Ang kalikasan ay isang magandang paraan ng pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang kaluwalhatian. Siya rin ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Bibliya at ng iba pang tao na sumusunod kay Hesus.
Napakarami pang maaaring malaman tungkol sa Diyos. Tinutulungan Niya tayong malaman kung paano mamuhay ng matiwasay, kung paano makitungo sa kapwa tao, kung paano mahalin ang ating asawa at mga kapamilya, at kung paano harapin ang mga sigalot. Kamangha-mangha na ang Diyos na siyang lumikha sa buong daigdig ay ang siya ring nagnanais na maranasan ng bawat isa sa atin ang kagalakan at kapanatagan sa buhay. At, kamangha-mangha rin na ipinapahayag Niya sa Biblia ang mga bagay na ito sa atin.
Kapag hindi tayo nagbabasa ng Bibliya at natututo kasama ng iba pang Kristiyano, hindi natin nalalaman ang mga bagay na nais ng Diyos na malaman natin tungkol sa Kanya at sa buhay.
Anong mga katanungan tungkol sa Diyos ang mayroon ka? Sino ang maaari mong lapitan upang tulungan kang mahanap ang mga kasagutan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Tinitingnan ng Salvation Rise ang mga bersikulo kung saan hinango ang mga kanta ng bagong album ng NewSpring Worship. Isinulat para sa mga Cristiano, ang sampung araw na babasahing ito ay pagpupugay kung sino ang Diyos, ano ang Kaniyang mga nagawa, at lahat ng Kaniyang mga plano para sa atin. Pumunta sa https://newspring.cc/music/salvation-rise upang bilhin ang album o i-download ang mga chord chart at mga kanta.<br /><br />
More
Nais naming pasalamatan ang NewSpring Church para sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.newspring.cc
Mga Kaugnay na Gabay

Kilala Kita: Mga Debosyon Mula sa Time of Grace

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago

Ang Kaluwalhatian ng Hari

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle Idleman

Paghahanap ng Kapayapaan

Asin at Liwanag

Ang Boteng Alabastro

Committed Siya Sa Iyo
