Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-asa sa DilimHalimbawa

Hope In The Dark

ARAW 12 NG 12

Kapag Ikaw ay Nagtatanong at Naniniwala

Ang pagtitiyaga ay hindi lang ang kakayahang pagtiisan ang isang mahirap na bagay, kundi ang gawin itong para sa kaluwalhatian.

—William Barclay, ministro sa Scotland 

Hindi ko alam kung anong pinagdaraanan mo o kung ano ang nalampasan mo na. Ang alam ko ay ito: ang Diyos natin ay isang mabuting Diyos na ganoon na lamang ang pagmamahal sa atin upang isakripisyo ang Kanyang pinakamamahal na Anak, ang pinakadakilang regalo na maaari Niyang ibigay sa atin, para lamang makilala natin Siya, upang maluwalhati natin Siya dito sa lupa, upang makasama natin Siya sa walang hanggan sa langit. 

Ganoon Niya tayo kamahal. Kaya nating mahalin Siya—o ang sinuman—dahil una Niya tayong minahal.

Kapag may mahihirap na bagay na nangyayari, at ang pinakamainam na maaari mong gawin ay ang naising maniwala, sapat na ito. Huwag kang humintong magnais na maniwala. 

Hayaan mong ang kislap ng pag-asang iyon ay lumago sa pamamagitan ng pagtitiwala na ang Diyos ay kasama mo. Manalangin at hingin mo sa Diyos na tulungan kang malampasan ang iyong hindi paniniwala. Katulad ni Habakuk, magtanong ka at pagkatapos ay maging handang makinig sa kasagutan ng Diyos. 

Ang panalangin ko ay lalago ka upang magkaroon ka ng uri ng pananampalatayang katulad kay Habakuk na nakita natin sa kabanata 3. Pero ganito iyon: hindi mo makukuha ang uri ng pananampalataya na nasa kabanata 3 hanggang hindi mo napagdaanan ang uri ng pagtatanong sa kabanata 1 at ang uri ng paghihintay sa kabanata 2. Dahil ang Diyos ay mas madalas na may ginagawang higit na espirituwal sa lambak kaysa sa tuktok ng bundok. 

Hindi ko hawak ang lahat ng kasagutan sa iyong mga tanong. Ngunit sa loob ng higit sa dalawampu't siyam na taong pagmamahal ko sa Diyos at paglilingkod kay Cristo, narito ang maaari kong sabihin: Sapat na ang mga nakalipas na paglalakad kong kasama si Jesus upang pagtiwalaan ko Siya sa lahat ng aking bukas. 

Gusto mo bang maging mas malapit sa Diyos? Gusto mo ba ang pagiging malapit na iyon sa Kanya nang higit pa sa isang komportable, madali, at walang problemang buhay? 

Kung gayon ay huwag kang huminto sa pagnanais mong maniwala. 

Maaari kang magkaroon ng pag-asa sa kadiliman. Dahil habang lumalago ka sa kaalaman mo sa Diyos, ihahayag Niya sa iyo ang higit pa Niyang pagmamahal, ang Kanyang katapatan, ang Kanyang biyaya. At sa paglipas ng panahon ay mauunawaan, maniniwala, at mayayakap mong kahit na ang buhay ay mahirap, mabuti pa rin ang Diyos. 

Manalangin: O Diyos, naniniwala akong Ikaw ay mabuti, at handa akong lalo pang maging malapit sa Iyo. At tuluy-tuloy na ito hanggang sa dulo. Amen. 

Higit pang matuto tungkol sa aklat ni Craig Groeschel, Hope in the Dark.

Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Hope In The Dark

Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa aklat ni Pastor Craig ng Life.Church, Hope in the Dark, ay maaaring siya mismong kailangan mo. Kung gusto mong maniwala, ngunit hindi mo sigurado kung paano, ito ay para sa iyo.

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/