Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-asa sa DilimHalimbawa

Hope In The Dark

ARAW 1 NG 12

Nasaan ka, Panginoon? 

Ang mga tao ay hindi madaling umamin ng desperasyon. Kapag ginawa nila ito, malapit na ang kaharian ng langit.

—Philip Yancey

Sa buong buhay natin, lahat tayo ay umaabot sa mga punto kung saan nakikita natin ang sarili na nakikipagbuno sa espirituwal na mga tanong. May nakilala akong lalaki na ang asawa sa loob ng labingwalong taon ay napatay ng isang lasing na drayber. Minsan matapos itong mangyari, habang kinakausap ko siya ay bigla na lang siyang nagalit, "Ang isang mabuting Diyos ay hindi hahayaan ang isang hangal at lasing na drayber na mapatay ang aking asawa at pabayaan itong mabuhay! Hindi na rin ako sigurado kung mayroon ba talagang Diyos. At kung mayroon man, hindi ko gusto na magkaroon ng kaugnayan sa isang Diyos na hinayaang mangyari ang mga ganoong bagay." 

Hindi ko napagdaanan ang kawalan ng lalaking ito. Pero nakikiramay ako sa sakit na nararamdaman niya. Higit pa rito, nakikita ko na sa kaibuturan ng kanyang sakit, nais niyang magtiwala sa Diyos. Sa sandaling iyon nga lang, hindi niya maiayon ang sakit na nararamdaman niya sa imahe ng Diyos na gusto niyang paniwalaan. 

Isinulat ko ang aklat at Gabay sa Bibliang ito para sa maraming tao na nahihirapang maniwala na ang Diyos ay nagmamalasakit sa kanila, lalo na kapag sila ay nasa gitna ng krisis. Kapag nadadapa ka sa isang lambak, mahirap makita ang liwanag. Gusto mong maniwala, pero nahihirapan kang iugnay ang mensahe na puno ng pag-asa ng pananampalatayang Cristiano sa mga nakikita mo sa paligid. 

Mahigit 2,600 taon na ang nakalilipas, itinanong ni Habakuk ang maraming mga tanong na katulad ng itinatanong pa rin ng mga tao sa buong mundo ngayon. At sa Kanyang biyaya, inibsan ng Diyos ang ilan sa dalamhati ni Habakuk, kahit na marami siyang katanungan na hindi nabigyan ng sagot. Ngunit sa kabila ng pagdududa, lumago ang pananampalataya ni Habakuk, isang pananampalataya na maaaring hindi nabuo nang lubos kung hindi siya nakipaglaban sa pamamagitan ng kanyang mga pagdududa. Magbabasa tayo sa kanyang kuwento sa susunod na mga araw. 

Pag-isipan mo. Kung naintindihan mo ang lahat nang ganap at buo, hindi mo kailangan ang pananampalataya, hindi ba? Ngunit kung walang pananampalataya, imposibleng mabigyang kaluguran ang Diyos (Mga Hebreo 11: 6). Bakit? Dahil ang pananampalataya at tiwala ay kailangang magmula sa pag-ibig, hindi mula sa isang pakikipagnegosyo, isang transaksyon, o ilang sitwasyon kung saan wala tayong pagpipilian.

Handa ka bang magtanong ng mga tapat na tanong? Makipagbuno? 

At higit sa lahat, handa ka bang makinig sa mga sagot ng Diyos? 

Manalangin: Handa akong makipaglaban sa aking mga pagdududa at mga tanong. Handa akong makinig sa kung ano ang sasabihin mo sa akin, O Diyos. Amen.

Higit pa mula kay Craig Groeschel

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Hope In The Dark

Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa aklat ni Pastor Craig ng Life.Church, Hope in the Dark, ay maaaring siya mismong kailangan mo. Kung gusto mong maniwala, ngunit hindi mo sigurado kung paano, ito ay para sa iyo.

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/