Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-asa sa DilimHalimbawa

Hope In The Dark

ARAW 7 NG 12

Alalahanin

Kung iniisip mong nakalimutan ka na ng Diyos, nakalimutan mo na kung sino ang Diyos.

—Hindi nagpakilala 

Kapag ako ay nasa lambak, kung minsan ay kailangan ko lang alalahanin. Bumabalik ako sa kung anong alam ko tungkol sa kung sino ang Diyos. 

Ang ikatlong kabanata ng Habakuk ay nagsisimula na tulad ng awit sa pagsamba na inaamin kung gaano kahirap ang buhay ngunit inaalala ang lahat ng ginawa ng Diyos. Ito ay isa pang hakbang, isang malaking hakbang, sa paglalakbay palabas sa lambak. 

Nanalangin si Habakuk, "O Panginoon, narinig ko ang tungkol sa iyo at ako'y natatakot. O Panginoon, buhayin mong muli ang iyong mga gawa sa gitna ng mga taon. Sa gitna ng mga taon ay ipaalam mo iyon, sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan" (Habakuk 3:2 ABTAG01). 

Naalala ko noong ako ay nasa kolehiyo at hindi ko maisip kung paanong parang nawawala na ako, at tinawag ko ang pangalan ni Jesus, hinihingi ko sa Kanya—hindi, halos hinahamon ko Siya, Kung Ikaw ay totoo, at kung Ikaw ay nariyan, kumilos Ka." Lumuhod ako bilang isang tao, at nang ako ay tumayo, ako ay lubos na ibang-ibang tao. 

At pagkatapos ay naalala ko kung paanong dinala ng Diyos si Amy sa buhay ko. Minamahal ko siya at isa siyang regalo at patuloy na isang kaloob mula sa Diyos. 

At pagkatapos ay naalala ko ang anak na babae naming sa Catie noong ipinanganak siya, at kung paano, noong siya ay tatlong taong gulang, ay napadikit sa poison ivy at nagkaroon ng pantal-pantal sa buong katawan. Bago siya matulog nang gabing iyon, sinabi niya sa akin, "Daddy, pagagalingin ako ni Jesus dahil nagdasal ako." Natatandaan kong nag-isip ako, "Wow, ang galing naman, Pero hindi ko alam kung anong gagawin namin kapag bukas ay may pantal-pantal pa rin siya." Naalala kong kinabukasan, nagtatatakbong pumasok sa aming silid ang nakahubad na si Catie at tuwang-tuwang isinigaw, "Tingnan ninyo! Tingnan ninyo! Pinagaling Niya ako!" 

At wala na ni isa sa kanyang mga pantal. 

Naalala ko noong bata pa kami ni Amy, at nagsisimula pa lamang kami sa paglilingkod, at wala kaming pera. Nanalangin kami nang magkasama, "O Diyos, hindi namin alam kung saan manggagaling ang pagkain namin para bukas." Nang sumunod na araw, nakatanggap kami ng tseke sa koreo. 

Anong ginagawa mo kapag ikaw ay nasa lambak? Alalahanin mo kung anong ginawa ng Diyos. 

At maniwala kang kung ano ang ginawa Niya dati, gagawin uli Niya. 

Manalangin: O Diyos ko, naaalala ko noong ...

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Hope In The Dark

Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa aklat ni Pastor Craig ng Life.Church, Hope in the Dark, ay maaaring siya mismong kailangan mo. Kung gusto mong maniwala, ngunit hindi mo sigurado kung paano, ito ay para sa iyo.

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/