Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-asa sa DilimHalimbawa

Hope In The Dark

ARAW 11 NG 12

Maniwala

Ako ay naniniwala sa Cristianismo tulad ng paniniwala ko na sumikat na ang araw: hindi lang dahil nakikita ko ito, pero dahil nito ay nakikita ko lahat ng ibang bagay.

—C. S. Lewis 

Ang tunay na pag-asa ay nangangailangan ng matatag at totoong pundasyon. Gaya ng sinabi ng sumulat ng Mga Hebreo, “Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita” (Mga Hebreo 11:1 RTPV05). Kung wala ang ating paniniwala sa karakter ng Diyos—at ng ating relasyon sa Kanya—bilang ating pundasyon, ay mabuting umasa na lang din tayo kay Santa Claus o sa isang app. 

Napagtanto ko na lahat ng mga mahirap unawaing ideyang ito tulad ng paniniwala ay tila malayo sa nangyayari sa totoong buhay, mga pagsubok tulad ng bayarin at pagkaluging pinagdaraanan mo. Ngunit maaaring ang paniniwala ay hindi ideya lamang. Maaaring ito ang katangi-tanging pundasyon sa panahong lahat ng ibang bagay sa buhay mo ay niyanig na. Ipinahayag ito ng Apostol na si Pablo nang ganito, “'Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos." (Mga Taga-Roma 5:3-5 RTPV05). 

Ito ang aking interpretasyon sa karanasan ni Pablo ng paghihirap patungo sa matalik na pagsasama sa Diyos: Sa tuwing naghihirap tayo, umaasa tayo sa Salita ng Diyos at naniniwalang lahat ay nasa Kanyang pamamahala, na may tiyak na layunin Siya sa isip. Kaya tayo ay patuloy na sumusulong, nananalig sa Kanya. Habang tayo ay patuloy na humahakbang, bawat oras, araw-araw, sa bawat linggo, tayo ay lumalakas. Ang ating pananampalataya ay lumalago, ang ating pagkakaintindi ay lumalawak, ang ating pananalig sa DIyos ay lumalaki. Habang tayo ay lumalakas, naniniwala tayo sa kabutihan ng Diyos, higit pa sa ating mga kalagayan. Natututo tayong maniwala sa mga pangako ng Diyos.

Ang paniniwala sa Diyos ay maaaring maging matatag na pundasyon mo.

Kung nais mo pa ring maniwala, sasalubungin ka ng Diyos sa gitna ng iyong mga pagsisikap na maniwala sa Kanya. Kahit na ibato mo ang iyong Biblia sa kabilang dulo ng kwarto at takutin mo ang Diyos o tanungin Siya, tulad ng ginawa ni Habakuk, kikilalanin ng Diyos ang iyong madamdaming katapatan sa iyong paghabol sa Kanya. Kung nais mo talagang maranasan ang pagiging malapit sa Diyos at ang Kanyang pag-aaruga habang ikaw ay humaharap ng mga pagsubok—at hinahangad mo Siya higit pa sa iyong mga kalagayan—sasamahan ka Niya sa bawat hakbang mo. 

Manalangin: Panginoon, pinipili kong maniwala sa Iyong kabutihan at pag-ibig. Naniniwala ako kay Jesus, ang Iyong Anak, at kung anong ginawa NIya upang iligtas ako. Maaari Ka bang maging pundasyon ng aking buhay? 

Kung nanalangin ka na gawing pundasyon ng iyong buhay si Jesus, basahin mo ito.  

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Hope In The Dark

Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa aklat ni Pastor Craig ng Life.Church, Hope in the Dark, ay maaaring siya mismong kailangan mo. Kung gusto mong maniwala, ngunit hindi mo sigurado kung paano, ito ay para sa iyo.

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/