Pag-asa sa DilimHalimbawa
Pag-asa
Ang buhay na pag-asa ay nagbibigay-daan sa atin na magkaroon ng kalungkutan at kagalakan. Ang ating buhay na pag-asa ay isang mana na nakamit para sa atin ni Cristo.
—Tim Keller
Ang aklat ng Habakkuk ay nagtatapos sa kanyang panalangin, "Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan" (Habakkuk 3:19 RTPV05).
Kapag isinasaalang-alang mo kung ano ang alam ng propetang ito na kinakaharap niya, ang kanyang lubos na pag-asa ay nakakamangha. "Kahit ang puno ng igos ay hindi namumulaklak at walang mga hayop sa kamalig, gayon ma'y ang Panginoon ay nasa Kanyang banal na templo. Kahit na mas masahol pa bago ito mapabuti, ang lahat ng lupa ay tatahimik sa Kanya. Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Totoo ang salita ng Diyos. Masusumpungan ko ang aking lakas at ang akingpag-asasa Panginoon kong Diyos, at dadalhin Niya ako sa mga bagong tugatog."
Si Habakkuk ay nakipagbuno sa mga tanong, niyakap ang katotohanan, nagtiwala at nahanap ang kanyang pag-asa sa Diyos. Kung wala kang makuha na kahit ano sa gabay na ito, sana ay maalala mo kung ano ang kahulugan ng pangalang Habakkuk: Makipagbuno. At yakapin.
Silang dalawa nang sabay.
Naalala ko noong ang aking bunsong anak, si Joy, ay halos apat na taong gulang at naglalaro ng zip line sa likod-bahay ng isang kaibigan. Dahil siya ay masyadong maliit pa para maiiwas ang sarili sa pagbangga sa puno sa dulo ng linya, tumama ang kanyang mukha sa makapal na puno nito. Natatandaan kong narining ko angcrack!. Nahulog siya sa lupa, duguan at walang malay.
Nag-aalala, naramdaman ko ang pulso niya, bagaman hindi kasing lakas gaya ng gusto ko. Isinugod namin siya sa ER, at nagsimulang gumawa ng iba't-ibang mga pagsusuri ang mga doktor. Nang sandaling bumalik na ang kanyang malay, sinubukan nilang tahiin ang malalim na hiwa sa ilalim ng kanyang baba. Ngunit hindi ito gusto ni Joy.
Kinailangan ko siyang panatilihing hindi gumagalaw.
Nsa ibabaw niya ako, hawak ang kanyang katawan at ulo habang ang mga doktor ay dahan-dahang nililinis ang mga sugat at tinatahi ang mga ito. Siya ay humihikbi, "Daddy, anong nangyayari? Pakawalan mo ako. Patigilin mo sila. Gusto kong maglaro. Kung maaari. Gusto ko lang maglaro. Huwag mo silang hayaang saktan ako." Pero alam kong kung gagaling siya nang maayos, kailangang pagdaanan niya ito.
Minsan ang hawak ng Diyos ay tulad nito,dahil alam Niya kung ano ang gagawin sa atin para sa maayos na paggaling.
Nakikipagbuno tayo at yumayakap. Ginagawa ang dalawa nang sabay.
At sa kanyang mga bisig, may pag-asa.
Manalangin.Panginoon, maraming salamat sa paghawak sa akin. Salamat sa pagpapagaling sa akin. Maraming salamat sa pag-asa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa aklat ni Pastor Craig ng Life.Church, Hope in the Dark, ay maaaring siya mismong kailangan mo. Kung gusto mong maniwala, ngunit hindi mo sigurado kung paano, ito ay para sa iyo.
More