Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-asa sa DilimHalimbawa

Hope In The Dark

ARAW 9 NG 12

Tiwala

Ang pinakamainam na patunay ng pag-ibig ay tiwala. 

—Joyce Brothers 

Nagbibigay sa atin si Habakuk ng isang kamangha-manghang halimbawa ng isang maayos at balanseng tugon sa maituturing na pinakamasamang balita na maaari niyang matanggap mula sa Diyos. Kahit na ang kanyang katawan ay tumugon, naunawaan niyang maaari siyang pumili kung ano ang kanyang paniniwalaan. Maaari niyang pagtiwalaan ang kanyang damdamin. Maaari niyang pagtiwalaan ang kasalukuyang pananaw niya sa sitwasyon. O maaari siyang magtiwala na may mailalabas na kabutihan ang Diyos sa tila di-kapani-paniwalang sitwasyon—ang pagsugod ng mga taga-Babilonia sa kanilang lupain. 

Sa iyong buhay, maaaring pakiramdam mo ay nawasak na ng mga taga-Babilonia ang tanawin ng iyong puso. Maaaring ipinagdadalamhati mo ang mga kawalang nangyari nang mga nakaraang taon. Ngunit maging sa kalagitnaan ng lahat ng sakit na iyon, kung pipiliin mong magtiwala sa Diyos sa kabila ng lahat ng uri ng ebidensya na kabaligtaran nito, mararanasan mo ang bagong antas ng pagiging malapit sa Kanya. Mababatid mo ang Kanyang presensya sa gitna ng sakit na nararamdaman mo. Pagtitiwalaan mo ang Kanyang karakter kapag hindi mo maintindihan ang mga sitwasyon. Pagkatapos, anuman ang mangyari, gaano man kasakit ang nararanasan ng iyong puso, magpapatuloy kang humakbang ng isang hakbang patungo sa isa pang araw. 

Katulad kay Habakuk, ang iyong panalangin ay nagiging tapat tungkol sa mga nawala sa iyo o maaaring mawala, habang nauunawaan mo na may Diyos ka pa rin. 

"Kahit na ang sabi ng aking asawa ay magsasama kami hanggang kamatayan at hindi siya tumupad sa kanyang pangako, magagalak pa rin ako sa Panginoong aking Diyos." 

"Kahit na pinalaki ko ang aking mga anak upang malaman nila kung anong mabuti at ngayon ay gumagawa sila ng mga nakakatakot na desisyon, magtitiwala pa rin ako sa Panginoong aking Diyos." 

Kahit na nanalangin kami para sa kagalingan ng isang tao at lalo pa siyang lumala, magtitiwala pa rin ako sa Panginoong aking Diyos." 

"Kahit na hindi namin maibenta ang bahay namin at mapapasubo na kami, pagtitiwalaan ko ang Panginoong aking Diyos."

"Kahit na mahirap kumita ng pera at kailangan ng apat na libong piso para ipagawa ang kotse, magtitiwala pa rin ako sa Panginoong aking Diyos." 

"Kahit na ayoko nito, kahit na hindi ko ito naiintindihan, kahit na alam kong kaya Niya at dapat na gawin Niya pero hindi Niya ginagawa, magtitiwala pa rin ako sa Panginoong aking Diyos." 

Manalangin: Kahit na … magtitiwala ako sa Iyo. Ikaw ang aking Diyos. 

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Hope In The Dark

Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa aklat ni Pastor Craig ng Life.Church, Hope in the Dark, ay maaaring siya mismong kailangan mo. Kung gusto mong maniwala, ngunit hindi mo sigurado kung paano, ito ay para sa iyo.

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/