Pag-asa sa DilimHalimbawa
Pananampalatayang Sinubok
Isa ako sa mga taong mas nanaisin pang lumubog nang may pananampalataya kaysa wala nito.
—Stanley Baldwin, British Prime Minister
Paano kung nabubuhay ka sa pananampalataya ngunit hindi mo nakikita ang pangako ng Diyos na natutupad sa buhay mo? Maniniwala ka pa rin bang tutuparin Niya ang Kanyang pangako, kahit na hindi mo ito makikita habang narito ka sa mundo? Maaari bang maging napakalapit mo sa Diyos na kaya mong patuloy na mahalin at paglingkuran Siya sa kabila ng iyong mga kabiguan?
Si Habakuk ay isang magaling na guro patungkol sa aral na ito para sa atin, dahil sa susunod na henerasyon tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako at pinarusahan Niya ang mga taga-Babilonia.
Napakatagal na paghihintay noon.
Ngunit ang Diyos ay tapat pa rin.
Binibigyan tayo ni Habakuk ng tatlong mga salita na maaari nating panghawakan kapag tila hindi na darating ang ipinangako ng Diyos. Anuman ang mangyari, huwag na huwag mong bibitawan ang mga salitang ito.
Kung nais mong maging mas malapit pa sa Diyos—anuman ang mangyari—ang tatlong salitang ito ang kailangan mong tandaan sa iyong paglalakbay tungo sa pagiging mas malapit at sa sukdulang pagtitiwala at pananampalataya sa Kanya:
“Ngunit ang Panginoon. . .”
Makikita mo ang mga salitang ito sa Habakuk 2:20, kung saan ang propeta, pagkatapos amining hindi pa rin niya gusto ang nangyayari, ay sinabi, "Ngunit ang Panginoon ay nasa kanyang templong banal; tumahimik ang buong lupa sa harapan niya" (ABTAG01, may dagdag na diin ang may-akda)
Maaaring bumabaligtad ang mundo,ngunit ang Panginoon ay nariyan pa rin.
Kapag wala ka nang ibang mapupuntahan, kapag ang sarili mong mga ideya at mapagkukunan ay naglaho na, kapag ang pamamahala mo sa isang sitwasyon ay nagkagulo na, ang Diyos ay nariyan pa rin. Kapag sumasakit na ang mga tuhod mo sa pagluhod sa pananalangin ngunit hindi mo masabi kung nakikinig Siya, ang Diyos ay nariyan pa rin.
Anuman ang mangyari sa buhay mo, ang Diyos ay nasa Kanyang templong banal.
Manalangin: O Diyos ko, Pahihintulutan Mo ba akong maranasan ang Iyong presensya sa mga bagong paraan? Ipakikita Mo ba sa aking kung gaano Ka kalapit?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa aklat ni Pastor Craig ng Life.Church, Hope in the Dark, ay maaaring siya mismong kailangan mo. Kung gusto mong maniwala, ngunit hindi mo sigurado kung paano, ito ay para sa iyo.
More