Pag-asa sa DilimHalimbawa
Maghintay
Turuan mo kami, O Panginoon, ng disiplina ng pagpapasensya, sapagkat ang maghintay ay minsan mas mahirap kaysa sa magtrabaho.
—Peter Marshall
Marami sa atin ang hindi na kailangang maghintay nang napakatagal sa kahit ano ngayon. Isipin mo na lang ang inip na naramdaman mo noong nahuli ang iyong dentista sa kanyang iskedyul. Nakakabaliw, hindi ba?
Mukhang hindi rin naman gusto ni Habakuk ang paghihintay. Gayunpaman, alam niya ang susunod na dapat niyang gawin upang makalabas sa lambak ng kawalan ng pag-asa. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ngunit mabilis na lilipas ang panahon, at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo. Bagama't parang mabagal ito, hintayin mo. Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito” (Habakkuk 2:3 RTPV05).
Ang salitang Hebreo para sa “itinakdang panahon” ay mow’ed, na ang ibig sabihin ay tamang panahon, nakakabit na panahon, ang banal na panahong pinahintulutan ng Diyos upang mangyari ang isang bagay. May lumang kasabihan na ang Diyos ay bihirang naging maaga, hindi kailanman nahuhuli, at palaging nasa tamang oras. Ito ang kabuuan ng salitang mow’ed.
Maaring ikaw ay nananalangin na nang napakatagal para sa isang mahal sa buhay upang lumapit kay Cristo. Kaya ikaw ay naghihintay. Marahil ikaw ay humihingi sa Diyos ng isa pang klase ng milagro. Para gumaling ang isang tao. Para lumaya ang isang tao sa kanyang adiksyon. Para sa promosyon. O isang asawa. Kaya ikaw ay nananalangin. Ikaw ay naghihintay.
At ikaw ay naghihintay pa.
Kung titingnan mo ang Kasulatan, makikita mo ang napakaraming halimbawa ng mga taong pinili ng Diyos, mga malalapit sa Kanya, ngunit nakikita pa rin ang sarili nilang naghihintay.
Sinabi ng Diyos kay Moises, “Gagamitin kita upang iligtas ang aking bayan at buuin muli ang bansang Israel.” At si Moises ay nagtungo na sa apatnapung taong paglalakbay. Apatnapung taon!
Ngayon, ito ang isa sa aking mga paborito. Si apostol Pablo ay nagkaroon ng pangitain at nakilala si Cristo. Siya ay binago at sinabing, “Tinawag ako upang magpahayag. Nandito ako para rito. Ito ang lahat. Sa akin iniatang ang pagpapahayag ng ebanghelyo. Ito ang bigay sa akin ng Diyos, ang nag-iisang layunin ng buhay.” At pagkatapos siya ay naghintay. Labintatlong taon ang lumipas bago nagsimula ang layuning ito. Labintatlong taon bago niya ibahagi ang pinakauna niyang mensahe!
Sa ibang panahon ng buhay, kailangan mo lang maghintay.
Manalangin: Handa akong maghintay. O Diyos, ano ang maaari kong gawin upang makilala Ka habang ako ay naghihintay?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa aklat ni Pastor Craig ng Life.Church, Hope in the Dark, ay maaaring siya mismong kailangan mo. Kung gusto mong maniwala, ngunit hindi mo sigurado kung paano, ito ay para sa iyo.
More