Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-asa sa DilimHalimbawa

Hope In The Dark

ARAW 2 NG 12

Makinig

Makinig sa iyong buhay. Ang lahat ng mga sandali ay mahahalagang sandali. 

—Frederick Buechner

Maging tapat sa sarili mo. Kailan ang huling beses na umupo ka lang at nagkaroon ng tunay at buhay na pakikipag-usap sa isang tao, kung saan nagpalitan kayo at tunay na nakinig sa sinasabi ng isa't-isa? Walang mga aparato. Walang TV. Walang musika. Walang pampaabala. 

Kaya pala napakahirap para sa atin na makinig sa Diyos. 

Katulad nang nabasa natin sa Habakuk 1, may lakas ng loob siyang nagtanong sa Diyos ng tunay ngang napakahirap na mga tanong na nasa puso niya. Mahirap mahalin ang sinuman—maging ang Maylikha ng Sandaigdigan—kung may kinikimkim kang sama ng loob at itinatago ang iyong tunay na damdamin. Malinaw na mahal ni Habakuk ang Diyos, ngunit hindi iyan pumigil sa kanya upang may paggalang na hamunin ang Diyos sa pamamagitan ng isang pakiusap na tulungan siyang maunawaan ang malaking agwat sa pagitan ng kanyang pinaniniwalaan at sa lahat ng nakikita niya sa paligid niya. 

Nang matapos ang propetang itanong ang kanyang mga katanungan, alam niyang oras na upang makinig. Totoo rin ito para sa iyo. Isinulat ni Habakuk, "Ako'y tatayo upang magbantay, at magbabantay ako sa ibabaw ng tore, at tatanaw upang makita ko kung ano ang kanyang sasabihin sa akin, at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing". (Habakuk 2:1 ABTAG01, may dagdag na diin ang may-akda). Gustung-gusto ko ang mga imaheng ito. Tatayo ako upang magbantay at tatanaw upang makita kung anong sasabihin ng Diyos sa akin. Kung minsan, ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakakuha ng kasagutan sa ating mga tanong ay dahil ayaw nating sandaling huminto at maghintay upang ipahayag ng Diyos ang sarili Niya sa atin. 

Sa Mga Awit 46:10 ay sinabi ng Diyos: “Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Diyos." 

Pansinin na hindi sinabi ng Diyos: "Maging abala, at kilalanin ninyo na ako ang Diyos." 

Sinabi Niya, "Magsitigil. At makinig. 

Paano ka ba talaga nakikinig sa Diyos? Maaari mong buksan ang Kanyang Banal na Salita at hayaang ang Kanyang Espiritu Santo ang magdala ng katotohanan sa buhay. Ang Diyos ay nangungusap sa pamamagitan ng mga sitwasyon, kung sandali kang hihinto upang magnilay. Nangungusap Siya sa pamamagitan ng mga tao, nagbibigay ng banal na karunungan mula sa langit. At maaari Siyang mangusap nang diretso sa iyo sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu Santo. Kapag ikaw ay sa Kanya, gumugugol ng panahong kasama Niya, tumatahimik sa presensya Niya, matututunan mong makilala ang Kanyang tinig. 

Maaaring humihingi ka sa Diyos para sa iyong mga kailangan. Makatwiran lang iyan; nais ng Diyos na abutin natin Siya. Ngunit handa ka bang makinig sa sasabihin Niya sa iyo, kahit na ang sagot Niya ay hindi ang gusto mong marinig? Patuloy na makinig. Hindi ka iiwan ng Diyos sa oras ng iyong pangangailangan; mahahawakan ka Niya nang mahigpit at bubuhatin sa gitna ng iyong sakit. 

Manalangin: O Diyos, handa akong makinig. Anong mga plano mo sa sitwasyong ito? Paano akong lalago sa pamamagitan nito? 

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Hope In The Dark

Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa aklat ni Pastor Craig ng Life.Church, Hope in the Dark, ay maaaring siya mismong kailangan mo. Kung gusto mong maniwala, ngunit hindi mo sigurado kung paano, ito ay para sa iyo.

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/