Ang aklat na ito ay naglalaman ng pahayag ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta Habakuk. O Yahweh, hanggang kailan ako hihingi ng tulong sa inyo, bago ninyo ako dinggin, bago ninyo ako iligtas sa karahasan? Bakit puro kaguluhan at kasamaan ang ipinapakita mo sa akin? Sa magkabi-kabila'y nagaganap ang pagwasak at ang karahasan; laganap ang karahasan at ang labanan. Ang batas ay walang bisa at walang pakinabang, at hindi umiiral ang katarungan. Sa husgado ay laging natatalo ng masasama ang walang kasalanan, kaya't nababaluktot ang katarungan.
Basahin Habakuk 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Habakuk 1:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas