Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

HABAKUK 1:1-4

HABAKUK 1:1-4 ABTAG01

Ang pahayag ng Diyos na nakita ni propeta Habakuk. O PANGINOON, hanggang kailan ako hihingi ng tulong, at hindi mo papakinggan? O dadaing sa iyo ng “Karahasan!” at hindi ka magliligtas? Bakit mo hinahayaang makita ko ang kamalian, at tingnan ang kasamaan? Ang kasiraan at karahasan ay nasa harapan ko; paglalaban at pagtatalo ay lumilitaw. Kaya't ang batas ay hindi pinapansin, at ang katarungan ay hindi kailanman nangingibabaw. Sapagkat pinaliligiran ng masama ang matuwid; kaya't ang katarungan ay nababaluktot.