Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 20 NG 70

 Ang Kapanganakan ang Simula

Ang mensahe ng Kapaskuhan ay hindi natatapos sa isang maliit na sanggol na nakabalot sa mahigpit na lampin habang nasa sabsaban. Kailangan nating alalahanin ang dahilan bakit ipinanganak ang sanggol. Ang buong mensahe ng Kapaskuhan ay ang pagdating ng walang hanggang Diyos sa lupa bilang tao para iligtas ang sarili Niyang nilikha. Ang maliit na sanggol na nakabalot ng lampin ay naparito na may isang layunin: naparito Siya para mamatay.

Ang maliliit na kamay ng sanggol na naglilikot at lumabas sa balot ng mga ito sa loob ng isang kainan ng mga hayop na gawa sa kahoy ay ang eksaktong mga kamay ng isang karpintero na, hindi nagtagal, ay ipinako sa isang maduming kahoy na krus. Ito ang esksaktong mga kamay na, kahit na may mga sugat, ay maingat na itinupi ang mga tela na ipinambalot sa Kanya sa Kanyang libing matapos talunin ang kasalanan at ang kamatayan para maibigay Niya sa atin ang buhay na walang hanggan. At ito rin ang eksaktong mga kamay na umabot at bumuhat nang buong pagmamahal sa atin paulit-ulit sa madalas na paghihirap natin sa ating mga buhay.

Ngayong panahon ng Kapaskuhan, kung kailan ang lahat ay parang minamadali at maligalig, huwag kang madala sa dami ng gawain at pagnanais sa mga materyal na bagay.

Gawain: Gumawa ng kahit ano gamit ang iyong mga kamay - isang kard, guhit, craft - at ibigay ito nang kusang-loob sa isang tao bilang isang regalo.

Banal na Kasulatan

Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito. 

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18