Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 21 NG 70

Magmahal nang Walang Limitasyon

Ang pagmamahal ng Diyos ay di limitado sa karanasan ng kaligtasan; ito ay umaabot sa bawat sulok ng buhay. Sa Hardin ng Eden - kahit nagkasala si Adan at Eba - hindi tumalikod ang Diyos sa pagmamahal Niya sa sangkatauhan. Maaari Niya naman silang sukuan, pero hindi Niya ginawa. Minahal Niya ang mga ito at desididong ibalik sila sa isang mapagmahal na relasyon sa Kanya. Sa buong Lumang Tipan, makikita natin ang Diyos na palaging lumalapit nang may pagmamahal, habang inihahanda ang entablado sa pagdating ng Kanyang pagliligtas.

Si Jesu-Cristo ang katuparan ng sinaunang pangako ng perpektong biyaya na nagliligtas ng sanlibutan. Ang nakasulat na tala ng Diyos para sa atin, na inihahayag ang Kanyang walang hanggang pagmamahal na naghahanap at nagliligtas sa lahat ng panahon. Maaari naman Siyang manatili sa langit, malayo sa pagod at pagdurusa ng nasirang mundong ito, pero alam Niya na kailangan natin ang pagmamahal na Siya lamang ang makakapagbigay. Kaya sa iyong pagdiriwang sa kapanganakan ng ating Tagapagligtas, pag-isipan ang sinasabi tungkol sa Kanyang malalim na pagmamahal sa iyo.

Gawain: Kumustahin ang isang kamag-anak o kaibigan na kailangan mong makipag-ayos. Magpatawad dahil una kang pinatawad ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito. 

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18