Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 22 NG 70

Naparito Siya Para Sa Iyo

Habang ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni Cristo sa panahong ito, ang pagdiriwang sa ating mga puso ay dapat nakatuon sa kaligayahan ng pagmamahal sa atin. Sa pamamagitan ni Jesus, ang puso ng Diyos ay hindi nahiyang ipahayag ang pagmamahal Niya sa iyo. Pinili Niya na pumarito para sa iyo!

Mayroon kang Tagapagligtas na tapat sa iyo. Siya ang iyong kaibigan na mas malapit pa kaysa sa kapatid - isang tao na nakadikit sa iyo sa pamamagitan ng dugo at karanasan. Kaya kung nagiging mahirap ang buhay, maaari kang magpahinga sa kaalaman na hindi Ka niya kailan man tatalikuran. Hindi ka nag-iisa.

Habang pinag-iisipan mo ang dahilan ng Kanyang pagparito dalawang libong taon na ang nakalipas, hayaang ang Panginoon ang humipo sa iyong puso nang may bagong diwa ng Kanyang presensya. Siguro ikaw ay nahihirapan dahil sa isang malalim na hinanakit, at ikaw ay nagtatanong kung paano mo malalagpasan ang lahat ng sakit. Si Jesus —ang Emmanuel—ay malapit sa iyo, at sasamahan ka Niyang lakaran ang kahit anong pagsubok at bibigyan ka Niya ng ginhawa na may lakas sa kalagitnaan ng kahit anong paghihirap. Hayaang ang ibig sabihin ng pagparito Niya sa mundo ang magdala sa iyo ng bagong pag-asa para sa iyong buhay ngayon.

Gawain: Sa salamin mo sa iyong banyo, gumamit ng isang nabuburang marker para isulat ang mga salitang pinili at tinanggap. Paalalahanan ang iyong sarili sa bawat umaga na pinili at tinanggap ka ni Jesus.

Banal na Kasulatan

Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito. 

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18