Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa
Alalahanin Kung Sino Siya
Gustung-gusto ng Diyos ang paggunita. Sa buong kasaysayan ng Biblia, makikita natin Siyang gumagawa ng mga tanda sa mga mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng isang bantayog—o ang pagtatatag sa isang taunang kapistahan upang alalahanin ang isang pagkakataon kung saan ipinapakita Niya ang Kanyang kamangha-manghang lakas at pagmamahal sa Kanyang sambayanan.
Bakit mahalaga na alalahanin ang ganitong mga pagkakataon?
Dahil nais ng Diyos na alalahanin natin kung sino Siya at kung ano ang ginawa Niya para sa atin sa mas malalim na paraan. Alam Niya na kailangan natin maranasan ang realidad sa katawan at espiritu upang ganap nating maunawaan ang kabuuan nito.
Tuwing Kapaskuhan, ang mga mananampalataya ay may pagkakataong alalahanin at ipagdiriwang ang isang kahanga-hangang pangyayaring walang katulad: noong magkatawang-tao ang Diyos at naparito sa mundong ito upang ipakita sa atin ang daan pabalik sa Kanya.
Gawain: Gumawa ng isang nakapagpapatibay-loob na liham para sa isang taong nasa Sandatahang Lakas na magpapasko nang malayo sa kanyang tahanan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More