Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa
Nananabik Siya sa Atin
Si Jesus ay Diyos mula pa sa simula ng panahon - Siya ang Salita na kung saan lahat at nilikha. Nasa Hardin Siya kasama ni Adan at Eba. Tinanggap ng puso Niya ang unang marahas na suntok ng kasalanan na sumira sa malapit na ugnayan Niya at ng Kanyang minamahal na likha.
Sa buong panahon, pinanood Niya ang Kanyang sambayanan na mahirapan. Pinalaya Niya sila at pinamunuan palabas ng disyerto. Hinintay Niya na maging Siya lamang ang naisin nila, gayun pa man ang mga puso nila ay malayo sa Kanya at sumamba sila ng mga walang kuwentang diyus-diyosan na gawa ng tao.
Isipin kung paano nanood si Jesus at nagdasal mula sa pintuan ng langit bawat taon. Kung kaya ang kaganapan ng panahon ay dumatin na, pag-isipan ang kagalakan Niya noong sa wakas ay makakapunta na Siya sa atin bilang ating Tagapagligtas.
Gawain: Imbitahan ang ibang kapitbahay para sa isang pagtitipon na may mainit na tsokolate.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More