Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa
Ang Nakakagulat na Kalikasan ng Diyos
Minsan parang hindi na sasagutin ng Diyos ang ating mga panalangin. Ganoon ang naramdaman ng sambayanan ng Israel habang sila ay naghihintay sa pagdating ng Mesiyas. Noong naparito si Jesus, ang Kanyang pagdating ay nasa tiyak na panahon. Ngunit marami ang hindi nakakilala sa pinakamatinding ibinigay ng Diyos dahil sila ay naghihintay para sa isang Mesiyas na iaangat sila at ang kanilang bansa— sa halip na ang Panginoon.
Naparito si Jesus upang ialok ang buhay na walang katulad sa kayang ibigay ng mundo. Maaari naman Siyang dumating dala ang walang katapusang kapangyarihan ng langit. Ngunit, pinili Niyang pumarito nang may pagpapakumbaba, bilang isang sanggol na isinilang kasama ng mga hayop. Gayon pa man, ang Kanyang hindi inaasahang buhay ng pagsisilbi ang nagpahayag sa atin ng kaganapan ng walang pasubaling pagmamahal ng Diyos para sa sanlibutan.
Gawain: Sa susunod na ikaw ay kakain sa labas, sorpresahin mo ang nagsisilbi sa iyo ng isang tip na mas malaki sa madalas na ibinibigay mo bilang pasasalamat. Kung hindi man iyon isang opsyon, mag-iwan ng isang mapanghikayat at personal na mensahe para sa kanya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More