Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa
Makasaysayang Pagtubos
Ang aklat ni Mateo ay nagsisimula sa pinakamahalagang talaangkanan sa buong kasaysayan: ang talaangkanan ni Jesu-Cristo. Bagama't ang listahan ni Mateo ay pinaikli, binibigyan tayo nito ng makapangyarihang larawan ng pamilya ni Jesus sa lupa.
Ang orihinal na mga Hudyo ay pamilyar sa lahat ng mga bantog na pangalang ito. Gusto ni Mateo na bigyang-diin na si Jesus ay isinilang sa Banal na Espiritu—at gayon din sa isang magulong pamilya ng mga tunay na tao kung saan isinama ng Diyos ang Kanyang sarili sa buong kasaysayan. Si Jesus ay nagmula sa mga bayani at hindi napupuring karaniwang tao, mga tagapanguna at mga lumisan sa sariling bayan o refugee, tinubos na mga babaeng bayarin at mga hindi nagsisising hari.
Ang mga listahan ng mga pangalan ay maaaring mukhang siksik at hindi-mabigkas. Ngunit sa loob ng listahang ito ay mga kuwento ng pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos, paghabi ng pagtubos na may mga di-mabilang na sinulid na hahantong kay Jesus.
Gawain: Magsulat ng listahan ng lahat ng bagay na nagawa ng Diyos para sa iyo nitong nakaraang taon. Purihin ang Panginoon sa bawat natatanging paraan ng Kanyang pag-aalaga para sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More