Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 16 NG 70

 Planong Pagtubos ng Diyos

Nang si Jesus ay naparito sa mundo, ang Kanyang sariling bayan ay hindi Siya nakilala. Kahit na ang mga Hudyo na pinagpala ng patotoo ng kanilang mga propeta at isang mahabang kasaysayan ng patuloy na katapatan ng Diyos, hindi pa rin nila nakilala ang pinakahihintay na Mesiyas. Nananatili pa rin sila sa paniniwalang darating Siya upang iligtas sila sa kanilang mga pampulitikang mang-aapi, sisirain ang paganong pagsamba at pagkaalipin mula sa pamamahala ng Roma. Na dadalhin Niya ang kaharian ng Diyos. Sa kanilang isipan, ito ay nangangahulugang muling itatatag ang labindalawang tribo ng Israel sa katanyagan at kapangyarihan.

Ngunit hindi pumarito si Jesus upang gawin ang kanilang inaasahan na pagpapa-alis sa mga paganong mga Hentil. Dumating Siya upang dalhin ang isang kaharian na hindi mula sa mundong ito-at dalhin ang katotohanan at presensya ng Diyos sa isang sirang mundo.

Paano tayong maiiba sa mga taong napalampas ang pagdating ng kanilang Hari kapag ang pagmamataas ay nagbubulag sa atin sa katotohanan ng planong pagtubos ng Diyos? Nawa maging katulad tayo ng iilan na ang espirituwal na mga mata ay nakabukas upang makita ang totoong pagdating ng Kanyang kaharian.

Gawain: Itinuro sa atin ni Jesus na ipanalangin ang pagdating ng Kanyang kaharian. Tanungin ang isang estranghero kung maaari kang manalangin para sa kanyang mga tiyak na pangangailangan.

Banal na Kasulatan

Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito. 

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18