Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 19 NG 70

Pagpapahayag ng Puso ng Diyos  

Pagsang tabi sandali ang lahat ng mga teolohikal na dahilan na nagpapaliwanag kung bakit naparito si Cristo sa mundo, at isipin lamang ang patungkol sa kahanga-hangang pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Minahal ka Niya nang labis na isinantabi Niya ang Kanyang kaluwalhatian at karangalan upang maging Emmanuel, ang Diyos na kasama mo. Isaalang-alang ang lahat mula pa sa pasimula—mula sa Hardin ng Eden hanggang sa Kanyang gawain sa iyong sariling buhay—ay udyok at sadyang nilikha ng pag-ibig.

Ang pag-ibig ang nag-udyok sa Kanya na magpakita sa isang mababang-loob na biyuda sa templo na nanalangin ng halos ilang dekada para sa Kanyang pagparito. Dahil sa pag-ibig, muling inayos ng Diyos ang Kanyang oras at panahon upang makatagpo Niya ang maraming indibidwal na Kanyang pinaglingkuran at pinagaling. At dahil sa pag-ibig, Siya ay kumain kasama ang mga desperadong mga makasalanan at mga itinataboy na maniningil ng buwis. Yaong mga itinapon ng lipunan, ay tinipon Niya sa Kanyang mga bisig. Ang Kanyang buhay ay pagpapamalas ng pag-ibig sa gawa.

Ipinakita sa atin ni Jesus ang tunay na puso ng Diyos, na naninirahan kasama natin at inanyayahan tayo sa tunay, malalim na pakikipagkaibigan sa Kanya. Hindi Siya naparito upang mamuno at magwasak ngunit upang magligtas at maghandog ng bagong buhay sa lahat ng lalapit sa Kanya.

Gawain: Tawagan ang isang kaibigan na hindi mo na nakausap nang matagal at gumugol ng ilang panahon upang makapag-ugnayan muli.

Banal na Kasulatan

Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito. 

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18