Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 18 NG 70

Namumuhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya

Ipinaaalala sa atin ng Banal na Kasulatan na maraming matuwid na kalalakihan at kababaihan na hindi nakita ang bunga ng kanilang pag-asa hanggang sa masubukan ng matinding pagsubok ang kanilang pananampalataya. Sa ilang sitwasyon, hindi nila nakita ang malinaw na sagot sa ilan nilang mga panalangin habang sila ay nabubuhay. Subalit hindi ito naging dahilan upang sila ay tumigil sa paniniwala sa Diyos sa araw-araw.

Walang sumusulat na propeta sa Israel sa loob ng apat na siglo, subalit ang kalalakihan at kababaihang tulad nina Simeon at Ana—mga taong makadiyos na naghihintay sa pinakahihintay na tunay na Mesiyas—ay nanindigan sa kanilang paniniwala na gagawin ng Panginoon ang mismong sinabi Niya na gagawin Niya. Hindi sila nawalan ng pag-asa, maging sa kanilang katandaan. Hindi nakapagtatakang nakilala nila kaagad ang kanilang pinakahihintay nang makita nila Siya sa bisig ng Kanyang ina—kahit wala nang ibang nakapansin.

Hindi mahalaga na ang pamilyang ito ay malinaw na mahirap, na nagdala sa templo ng di-gaanong mamahaling alay. Nakilala nina Simeon at Ana kaagad ang karangalan dahil lagi silang may pakikipag-ugnayan sa Diyos, namumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa halip na sa mga bagay na nakikita.

Gawain: Magbigay ng bagong laruan sa isang pinagkakatiwalaang bahay-kalinga na namamahagi ng mga Pamaskong regalo sa mga batang nangangailangan.

Banal na Kasulatan

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito. 

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18