Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa
Mamuhay nang Lubos Para sa Kanya
Ang kapanganakan ni Jesus ang pangako ng pag-asa at pagtubos sa isang bayang desperadong magkaroon ng bagong Hari. Ang buhay Niya ay nagsilbing halimbawa kung paano natin dapat sundin ang Diyos sa lahat ng mga sitwasyon. Ang kamatayan Niya ang nagbayad para sa ating mga kasalanan, upang tayo ay maibalik sa ating relasyon sa Diyos. Ang muli Niyang pagkabuhay ay katuparan ng mga sinaunang propesiya at siyang tumalo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan. Ngunit ang ministeryo ni Jesus ay habambuhay na nangingibabaw sa mga henerasyon at patuloy na bumabago sa mundo araw-araw.
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak sa mundo sa unang pagkakataon bilang mapagkumbabang bata, na nagsimula ng Kanyang plano ng pagtubos. Si Jesus ay babalik muli bilang isang matagumpay na Hari, na ipapahayag ng lahat bilang Panginoon. Habang tayo ay naghihintay sa Kanyang matagumpay na pagbabalik, maaari tayong mamuhay para sa Kanya bilang mga bagong nilikha na punong-puno ng buhay.
Sa ating pagsama sa Kanya sa Kanyang pagpapanumbalik ng Kanyang kaharian na nagpapatuloy hanggang ngayon, parangalan natin ang Kanyang pangalan bilang ating Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.
Gawain: Magsagawa ng isang maliit na gawain ng pagpapanumbalik. Pulutin ang basurang hindi sa iyo o magbigay ng mga gamit na hindi mo na ginagamit sa mga murang tindahan ng damit.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More