Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 25 NG 70

Si Jesus ay Nagbabago ng Mga Buhay

Noong gabing isinilang si Jesus, ang mga pastol ang una Niyang naging mga saksi. Isipin kung paanong kumalat ang balita mula sa isang tao patungo sa isa pa. Ang Betlehem ay puno ng mga pagod na manlalakbay, at mahirap na hindi pansinin ang pagkamangha at kagalakan ng mga pastol.

Mula sa Kanyang kapanganakan hanggang sa Kanyang pag-akyat sa langit, binago ni Jesus ang buhay ng sinumang nakaranas na makasama Siya. Dahil binabago ng Kanyang pag-ibig ang anumang nahahawakan nito, patuloy pa rin Niyang naaapektuhan ang mundo. At sa pamamagitan ng mga nabago ng Kanyang pagmamahal, patuloy Niyang inaabot ang mga nawawala gamit ang Kanyang mensahe ng bagong buhay. Tulad ng mga pastol noong unang Pasko, tayo ang Kanyang mga tagapagbalita.

Ano ang kuwento kung paano nabago ni Jesus ang buhay mo? Ano pa ang mas hihigit na regalong maaari mong ibigay mo maliban sa pamamahagi ng Kanyang pagmamahal doon sa mga nasasaktan at patuloy na naghahanap ng kasagutan?

Sa araw na ito, ipagdiwang ang Kanyang kapanganakan—at ang lahat ng paraan na ipinakita Niya sa iyo ang walang pasubaling pagmamahal Niya. Pagkatapos, ipagsabi mo rin sa iba na sila rin ay buong-puso Niyang minamahal.

Gawain: Ibahagi ang mabuting balita ng matinding kagalakan! Magkuwento tungkol kay Jesus at kung paano Niya naapektuhan ang buhay mo.

Pindutin ang here upang matuto kung paano pa mas lalong mapapalapit sa Ama at mapapalalim ang relasyon sa Kanya.

Banal na Kasulatan

Araw 24Araw 26

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito. 

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18