Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa
Ang Orihinal na Pakikisama sa Diyos
Ang misyon ng pag-ibig ng Diyos ay nagsimula bago pa ang Hardin ng Eden. Bago pa ang pagkatatag ng mundo at ng buong panahon, patuloy Siyang kumilos para sa isang layunin: ang maibalik ang Kanyang orihinal na relasyon sa tao.
Bago pa mapaalis sa Hardin, si Adan at Eba ay binigyan ng pantakip gawa sa balat ng mga hayop. Ang ginawang ito ng Diyos - pagsasakripisyo ng buhay ng mga hayop para pagtakpan ang kahihiyan ng tao - ay isang babala ng hinaharap na sakripisyo ni Cristo, na nagbigay sa atin ng totoo at kumpletong kaligtasan.
Naparito si Jesus sa lupa na may misyon ng pag-ibig. Sa pamamagitan ng Kanyang dakilang sakripisyo, tayo ay naibalik sa orihinal na pakikisama natin sa ating Lumikha.
Gawain: Mayroon ka bang mga kakilala na tila hindi itinuturing na tahanan ang simbahan? Imbitahin sila na dumalo sa susunod na service kasama mo para hindi nila maramdaman na sila ay nag-iisa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More