Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa
Ang Liwanag ang Nagtatagumpay
Ang kapanganakan ni Jesus ay dumating sa panahong natakpan ang sanlibutan ng espirituwal na kadiliman. Ginawa ng bayan ng Israel ang lahat pati na ang talikuran ang mga pamamaraan ng Panginoon. Ang templo ay naging palengke; ang mga handog ay iniaalay lamang dahil sa tungkulin at nakasanayan at hindi dahil sa malalim na pagnanais na sambahin ang Diyos. At ang pag-asa sa darating na Mesiyas ay madalas na mula sa makamundong pagnanasa para sa kaligtasang pang-militar at pagbagsak ng mga mapaniil na Romano.
Ngunit naparito si Jesus para sa isang layuning higit na mataas kumpara sa ganitiong paraan ng pag-iisip. Ang totoo, naparito Siya para sirain ang mga gawa ng kaaway—ang kaaway ng ating mga kaluluwa. Itinatag Niya ang Kanyang kaharian sa mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang buhay bilang handog ng pag-ibig at kapatawaran—- upang ang lahat ng lalaki at babae at magkaroon ng totoo at masaganang buhay.
Gawain: Pasayahin ang araw ng isang tao—anyayahan ang ilang mga kaibigan at magkaroling. Kung hindi puwede sa inyong barangay, subukan ang isang tinutulungang pamayanan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More