Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang PaghahanapHalimbawa

The Quest

ARAW 7 NG 7

Sa unang apat na katanungan, hinahawakan ng Diyos ang liwanag para sa tao upang siyasatin ang sarili niya kaugnay sa kanyang relasyon sa Diyos: Nasaan ka? Anong hinahanap mo? Bakit ka natatakot? Isang maliwanag na kaibahan dito, ay ang katanungang gaano pa kaya na laging magdadala sa paningin ng taong naghahanap sa katotohanan mula sa kalaliman ng pagtutuon sa sarili patungo sa bukang-liwayway na makikita sa kalangitan.

"Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit ….?” 'Lucas 11:13a

Ibinibigay na ni Cristo ang kasagutan sa pamamagitan ng mga salitang nasa katanungan: Gaano pa kaya?

Sobra-sobra pa.

Ang tanong na tinataglay sa tatlong-katagang katanungan at kasagutan ay laging magpapakawala ng umaapaw na pag-asa. 

Isang paghahambing sa mga salitang ginamit ni Lucas at ni Mateo sa bahaging ito ng pagtuturo ni Cristo ay kabigha-bighani. Basahin ang Mateo 7:7-11. Anong nauunawaan mo rito?

Sa mga huling pananalita mula sa Aklat ng Mga Gawa, tinukoy ni Lucas ang Espiritu Santo ng higit sa limampu't-limang beses. Paanong nabibigyang kahalagahan ang Mga Gawa 10:45?

Pagkatapos ng lahat na nakita, narinig, at naranasan ni Lucas, hindi nakapagtatakang sa ilalim ng patnubay ng Diyos ay mababasa sa kanyang Ebanghelyo na, "gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit! Ibibigay Niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa Kanya!" (Lukas 11:13). Batid niya sa bawat hibla ng katauhan niya na walang kaloob sa mundo na makakatulad ng Espiritu Santo. Isipin ninyo ang isang doktor na nabuo ang karera mula sa isang sistematikong kaalaman ng mga pamamaraang pang-agham ay nasa isang tabi at pinapanood ang Espiritu Santong gumagawa ng mga bagay na napakahirap ipaliwanag at sumasalungat sa mga batas ng kalikasan. Si Lucas ay hindi isang mapaniwalaing hangal. Sanay siya sa pagsubok ng mga epekto upang malaman ang mga sanhi. Napakarami na niyang nakitang pagpapahayag ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng salita, pagpapagaling at paggawa at ginamit siya ng Diyos upang isulat sa mga permanenteng talaan ang mga mapaghimalang pagtatagpo na dala ng Espiritu Santong ito mismo. 

Tandaan, ang Diyos ay mapagbigay. Sa makapukaw-pansing mga salita mula sa Taga-Roma 8:32, "Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay?" (RTPV05). Maaari nating ipatotoo ang mga pansamantalang kaloob na ibinigay ng Diyos hanggang mapaos tayo, ngunit hindi pa rin ito maikukumpara sa pinakamahalagang kaloob na ang sariling Espiritu ni Cristo. Sa nag-iisang kaloob na ito, gugugulin natin ang buong buhay natin sa pagbubukas ng napakarami pang iba: ang Kanyang kaaliwan, ang Kanyang kagalakan, ang Kanyang paghirang, ang Kanyang pagpapalakas, ang Kanyang direksyon, ang Kanyang pagmamahal. Ang mga ito ay walang katapusan.

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Quest

Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng pangungusap ay nagpapahayag ng pag-uusisa, pagkakaroon ng interes, at marahil ay pagdududa. Ang tanong ay isang paanyaya sa kahinaan, sa pagiging malapit. Ang Biblia ay hindi lumalayo sa mga ganitong paanyaya. Paulit-ulit na nakikita natin ang mga anak ng Diyos na nagtatanong tungkol sa kanilang Maykapal. Nakikita rin natin ang Diyos ng sandaigdigan na nagtatanong sa Kanyang nilikha. Ang Paghahanap ay isang hamon na tanggapin ang paanyayang ito.  Matutong maghanap sa Banal na Salita, tumugon sa mga katanungan ng Diyos, at magdala ng iyong mga katanungan sa Kanya. Hayaan mong ang baluktot na bantas ay maging mapa mo na magtuturo sa iyo sa isang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Women sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://www.lifeway.com/thequest