Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang PaghahanapHalimbawa

The Quest

ARAW 6 NG 7

Basahin ang Mateo 8:23-27.

Kung ang imahinasyon mo ay hindi pa nababasa ng tubig mula sa lawa, kung hindi pa ito nanghihina sa mga tuhod, namumutla, o nahihilo dahil sa karagatan, baka kailangan mong bumalik at basahing mula ang nabanggit na bahagi.

Ang kaalamang ang kuwento ay may magandang kinahinatnan ay maaaring magpahirap sa pagkokontrol dito. 

Napakalakas na bagyo. Maaari kang mamatay rito. Ang uri ng bagyong makapagdadala sa mga magagaling na marino sa dulo ng kalakasan nila at makapagpapataob sa bangka ng isang malakas na lalaki na tila ito ay laruan ng bata. Hanging napakaingay na hindi mo na marinig ang pagsigaw ng taong ilang pulgada lang ang layo sa iyo. Mga along bumabangga sa gilid ng bangka, kaya naiipon ang tubig sa loob nito. Tumatagilid ang bangka papunta sa kaliwa. Isang alon pa uli. Dinudunggol ng hangin ang layag na tila malalaking kamao ng mga maalamat na diyus-diyosan, nabubunggo ka sa mga kasamahan mo sa bangka na parang katulad ng larong pick-up sticks.

At mahimbing na natutulog si Jesus.

Pansinin ang kakaibang pagkakasunud-sunod. Hindi muna pinatahimik ni Jesus ang karagatan pagkatapos ay nagtanong. Nagtanong muna Siya at saka Niya pinatahimik ang karagatan. Ang lalo pang nakalilito rito ay hindi man lang Siya bumangon upang magtanong. Itinanong Niya ito, at saka Siya tumayo at sinaway ang hangin at ang dagat.

Ang Kanyang katanungan sa mga alagad ang ating ika-apat na pagsisiyasat para sa muling pag-aayos. Maglaan ng panahon upang alalahanin ito sa isang maikling anyo na itinatag natin noong Unang Araw. Bakit ka natatakot?

Bahagi ng pag-iiba ng tingin natin sa ginagawa nating paghahanap sa pananampalataya ay ang pagharap sa mga takot na nagbabantang pumaralisa sa atin o kaya naman ay iwan tayong nakalulon na parang sanggol sa tabi ng daan. Ang ating mga pangamba ay maaaring magkakaiba, ngunit malamang na walang sinumang walang kinatatakutan. Gayunpaman, sa ilang kakatwang kaparaanan ang walang humpay na takot ay maaaring magkaroon ng kabaligtarang epekto.

Ang pagkaunawang ang takot, kapag pinagbigyan, ay maaaring itulak tayong pababa o kaya naman ay itaboy tayong patalikod na parang maliit na batang sinusuntok sa tiyan ng isang malaking maton. 

Ang sinabi ng Diyos kay Cain sa Genesis 4:7b ay maaaring pamilyar sa atin. Nakaabang ang takot sa pintuan ko. Ganoon din naman ang kasalanan, ngunit marahil ang unang hakbang sa kalayaan ay ang malaman kung ano ang mga kasalanang nag-uugat sa ating mga takot. Pinagnanasaan ako ng takot. Ang mga salitang maligayang pagpasok sa labas ng pintuan ay nagkaroon ng tandang pananong. Anong aanyayahan kong pumasok? Anong tatanggihan ko? Nakaabang ang takot, handang manunggab. Hahayaan mo bang kainin tayo nito nang buhay?

Inuutusan ng Diyos ang mga sumusunod sa Kanyang huwag bigyan ng lugar ang takot.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

The Quest

Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng pangungusap ay nagpapahayag ng pag-uusisa, pagkakaroon ng interes, at marahil ay pagdududa. Ang tanong ay isang paanyaya sa kahinaan, sa pagiging malapit. Ang Biblia ay hindi lumalayo sa mga ganitong paanyaya. Paulit-ulit na nakikita natin ang mga anak ng Diyos na nagtatanong tungkol sa kanilang Maykapal. Nakikita rin natin ang Diyos ng sandaigdigan na nagtatanong sa Kanyang nilikha. Ang Paghahanap ay isang hamon na tanggapin ang paanyayang ito.  Matutong maghanap sa Banal na Salita, tumugon sa mga katanungan ng Diyos, at magdala ng iyong mga katanungan sa Kanya. Hayaan mong ang baluktot na bantas ay maging mapa mo na magtuturo sa iyo sa isang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Women sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://www.lifeway.com/thequest