Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang PaghahanapHalimbawa

The Quest

ARAW 5 NG 7

Nakita na natin ang dalawa sa limang katanungan patungkol sa muling pagsasaayos: 1) Nasaan ka? at 2) Sinong nagsabi niyan sa iyo? Ang ikatlong katanungan ay noong nagtanong si Jesus sa Juan 1:38 na: "Ano ang kailangan ninyo?" Hindi natin Siya napapahanga kapag tumutugon tayo sa Kanya nang iniisip natin na nais Niyang marinig. Kayang-kaya ni Jesus na tanggapin ang ating katapatan. Alam Niya kapag ang tunay na sagot sa tanong na, "Anong hinahanap mo?" ay "kaguluhan." O pera. O kasiguruhan. O pakikipagtalik. O kayamanan. Minsan ang pinakamakapangyarihang patotoo ay, "Hinahanap ko ang ___________________ at natagpuan ko si Jesus."

Ang Samaritana sa Juan 4 ay hindi naparoon sa balon na ang hinahanap ay si Jesus. Pumaroon siya dahil gusto niya ng tubig, kaya ipinaalam Niya sa kanya ang tubig na nagbibigay-buhay. Hindi siya tinanggihan dahil ang ninanais niya ay ang maling bagay. Ginamit ni Jesus ang hinahanap niya upang dalhin siya sa batid Niyang tunay na kinauuhawan niya: ang Tagapagligtas na magpapahinto sa lahat ng kabaliwan, patawarin ang kanyang mga kasalanan, at bigyan siya ng dignidad. Ang Mesiyas na nakakaalam ng tunay na bersyon ng kanyang kasaysayan at hindi naniniwala sa ibang sinasabi niya.

Gayundin naman, si Jesus ang huling nasa isip ni Saul na ninanais niyang makatagpo noong nasa daan siya patungo sa Damascus. Hindi niya hinahanap si Jesus. Hinahanap niya ang mga tagasunod ni Jesus. Kaya makikita mo rito, ang mga humihingi ay tumatanggap kahit na ang natatanggap nila ay iba sa kanilang hinihingi. Ang mga naghahanap ay nakakatagpo kahit na ang natatagpuan nila ay iba sa hinahanap nila. Ang mga pintuan ay nagbubukas sa mga kumakatok kahit na ang hindi inaasahang may--ari ng bahay ay ipinihit ang hawakan ng pintuan. Nakikita Niya ang mga pansamantalang ninanais natin at nakikita Niya kung anong tunay na nanaisin natin kapag natapos tayo sa ating tinatakbo. Nakukuha ng Isaias 46:10 ang napakalaking kaisipan nakapaloob sa ating paghahanap: Batid ng Diyos ang katapusan sa simula pa lamang. Ang mga salitang ito ang siyang nakapagbabago sa karerang ito. Inilalagay nito sa dibdib ng naghahanap ang pagtitiwala.

Anong mga pagnanais ang pinupukaw sa kaloob-looban mo? Anong mga inaasam mo? Alin sa mga iyon ang hindi pa napupunuan? Sumulat sa Diyos at sabihin sa Kanya ang lahat ng iyong inaasam. Ang iyong mga minimithi. Sabihin mo sa Kanya kung anong mga pagnanais ang nasa sa iyo. Maaaring mapagtanto mong ang Diyos mismo ang nagtanim ng mga pagnanais na iyon sa iyong puso.

Basahin kay Jesus ang Mga Awit 38:9 sa iyong pagtatapos. Pagnilayan ito. Isaulo ito. Hayaan mong ang katotohanan nito ang siyang maging kapahingahan mo sa pagpapatuloy ng iyong paglalakbay.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Quest

Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng pangungusap ay nagpapahayag ng pag-uusisa, pagkakaroon ng interes, at marahil ay pagdududa. Ang tanong ay isang paanyaya sa kahinaan, sa pagiging malapit. Ang Biblia ay hindi lumalayo sa mga ganitong paanyaya. Paulit-ulit na nakikita natin ang mga anak ng Diyos na nagtatanong tungkol sa kanilang Maykapal. Nakikita rin natin ang Diyos ng sandaigdigan na nagtatanong sa Kanyang nilikha. Ang Paghahanap ay isang hamon na tanggapin ang paanyayang ito.  Matutong maghanap sa Banal na Salita, tumugon sa mga katanungan ng Diyos, at magdala ng iyong mga katanungan sa Kanya. Hayaan mong ang baluktot na bantas ay maging mapa mo na magtuturo sa iyo sa isang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Women sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://www.lifeway.com/thequest