Ang PaghahanapHalimbawa
Malibang ang nakagawiang pamamaraan ay nagpahele na sa atin hanggang tayo ay naglalakad na nang tulog, ang paglalakad kasama ang Diyos ay isang paghahanap. At ang paghahanap ay hindi paghahanap nang walang mga katanungan. Wala nang mas kabigha-bighani pa kaysa sa sangkap ng pagtatanong sa isa't-isa sa ating relasyon sa Diyos. Sa pasimula pa lamang, hindi Niya tayo sinasagot nang malakas o kaya naman ay isinusulat sa kalangitan ang kasagutan na tulad ng ninanais natin kapag tayo ay may itinatanong sa Kanya. Gayunpaman, napakarami nang mga sagot ang naisulat Niya na hindi natin kayang isipin sa buong buhay natin.
May naitatag na tayong limang mga banal na katanungan na, kung pangangahasan nating sagutin, ay posibleng iakma at muling pagningasin ang ating lakarin kasama ang Diyos na noon ay nadiskaril, nasukol sa isang daan, nanghina o nawalan ng interes. Simulan mo ang araw na ito sa pagsasaulo sa mga katanungang ito. Mabilis mong ipasok ito sa iyong utak na maaari mo na silang ilista sa iyong mga pangarap. Ang unang dalawa ay itinatanong ng ating Diyos Ama, at ang huling tatlo ay itinatanong ng Anak na si Jesus. Ang ilan ay pinaikli upang mas madaling isaulo.
"NASAAN ka?" (Genesis 3:9)
“SINONG nagsabi niyan sa iyo?” (Genesis 3:11)
“ANONG hinahanap mo?" (Juan 1:38)
"BAKIT ka natatakot?" (Mateo 8:26)
"GAANO pa kadami ...?" (Lukas 11:13)*
Bagama't marami ka pang makakatagpong mga katanungan sa iyong lakarin, ang pagsagot sa limang ito ay magtatatag ng isang saligan na maaari mong balikan para sa pagmumuni-muni at pagsusuri.
Ang iyong mga susunod na araw ay magiging abala sa mga katanungang ito. Naririto ang isang bagay.
Ang epekto ng paglalakbay na ito ay hindi hihigitan ang iyong katapatan. Ang magiging kalaliman nito ay aabot hanggang sa punto kung saan ikaw ay nagiging totoo. Walang bawal kundi ang pagiging hindi tapat.
Puputulin nito ang iyong ginagawang lakarin kasama ang Diyos.
*Ang mga salin ng Biblia na CSB, KJV, NASB at The Message ay may tandang pananong sa dulo ng Lucas 11:13, samantalang ang ESV, NIV at NKJV ay gumamit ng tandang pandamdam para magpakita ng diin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng pangungusap ay nagpapahayag ng pag-uusisa, pagkakaroon ng interes, at marahil ay pagdududa. Ang tanong ay isang paanyaya sa kahinaan, sa pagiging malapit. Ang Biblia ay hindi lumalayo sa mga ganitong paanyaya. Paulit-ulit na nakikita natin ang mga anak ng Diyos na nagtatanong tungkol sa kanilang Maykapal. Nakikita rin natin ang Diyos ng sandaigdigan na nagtatanong sa Kanyang nilikha. Ang Paghahanap ay isang hamon na tanggapin ang paanyayang ito. Matutong maghanap sa Banal na Salita, tumugon sa mga katanungan ng Diyos, at magdala ng iyong mga katanungan sa Kanya. Hayaan mong ang baluktot na bantas ay maging mapa mo na magtuturo sa iyo sa isang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama.
More