Ang PaghahanapHalimbawa
Suriing mabuti ang Deuteronomio 33.
Ang ating pamana ng pananampalataya na iningatan sa Lumang Tipan ay isang napakayamang deposito na imposibleng maubos kahit na ito ay pag-aralan mo sa iyong buong buhay. Mayroon tayong pribilehiyong mamuhay sa natapos nang bahagi ng ginawang pagtubos ni Jesus, ang Kordero ng Diyos, na nailarawan sa bawat sakripisyong ipinakita sa Lumang Tipan. Kapag inilalagay natin ang ating pananampalataya kay Jesus, nagpapasailalim tayo sa bagong tipan sa halip na sa lumang tipan ng sinaunang Israel.
Kung itinatanghal ng Deuteronomio 33 ang labindalawang tribu ng Israel na may magkakahiwalay na bahagi sa itinakdang mangyayari sa kanila, sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo ay minana natin ang "lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit" (Mga Taga-Efeso 1:3).
Dahil walang katulad ang ating Diyos, wala ring katulad ang Kanyang mga anak. Ang mga Israelita sa Lumang Tipan ay likas na ipinanganak sa pamilya ng Diyos samantalang tayo ay muling nabuhay dito sa pamamagitan ng Espiritu Santo (Juan 1:11-13; 3:3). Walang alinman sa karapatang ito ay patungkol sa kahusayan. Pareho itong patungkol sa kaligtasan. Pareho silang nakasalalay sa biyaya.
Suriin ang konsepto na makikita sa Deuteronomio 33:29. "Bansang Israel, ikaw ay mapalad! Walang bansa na iyong _________________________?"
Para sa mga taong nananampalataya, ang pinagmumulan ng ating kalakasan ay lubhang kahanga-hanga. Ito ay kung anong pagkakilala natin sa Diyos. Ganunpaman, kapag hindi natin iniuugnay ang Kanyang pagkakilanlan sa atin, ang linyang binuo ng krus na siyang nag-uugnay sa atin sa banal na kapangyarihan ay mananatiling nababarahan ng kawalan ng pananampalataya.
Tingnan natin sa ibang anggulo ang tanong na sino?
Basahin ang Genesis 3:1-13. Tuntunin ang sagot sa tanong na "Sinong nagsabi sa iyo niyan?" upang matagpuan ang pinanggalingan ng katanungan. Sino ang nagsabi sa kanila ng isang bagay na mapanlinlang na nagdala sa kanila sa kasalanan? Pag-uusapan pa nating mabuti ang paksang tungkol sa panlilinlang bukas.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng pangungusap ay nagpapahayag ng pag-uusisa, pagkakaroon ng interes, at marahil ay pagdududa. Ang tanong ay isang paanyaya sa kahinaan, sa pagiging malapit. Ang Biblia ay hindi lumalayo sa mga ganitong paanyaya. Paulit-ulit na nakikita natin ang mga anak ng Diyos na nagtatanong tungkol sa kanilang Maykapal. Nakikita rin natin ang Diyos ng sandaigdigan na nagtatanong sa Kanyang nilikha. Ang Paghahanap ay isang hamon na tanggapin ang paanyayang ito. Matutong maghanap sa Banal na Salita, tumugon sa mga katanungan ng Diyos, at magdala ng iyong mga katanungan sa Kanya. Hayaan mong ang baluktot na bantas ay maging mapa mo na magtuturo sa iyo sa isang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama.
More