Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang PaghahanapHalimbawa

The Quest

ARAW 4 NG 7

Kung ano ang patuloy na pinaniniwalaan mo tungkol sa Diyos, at sa Kanyang kaliwanagan, na pinaniniwalaan mo tungkol sa iyong sarili, ay hindi lamang napakahalaga sa pakikipaglapit, ito ay napakahalaga sa pagtatagumpay. Muling basahin ang Deuteronomio 33:29 at makikita mo ang kuwerdas ng pagtatagumpay at pagkakakilanlan ay mahigpit na magkatali. Dahil lamang sa kalasag at tabak ng kanilang Diyos kaya sila nakakayapak sa likod ng kanilang mga kaaway.

Ang pagkakapareho para sa mga mananampalataya sa Bagong Tipan sa Mga Taga-Efeso 6:10-17 ay napakaganda.

Pagbuhulin ang mga ito dito:

Ang bawat pagkatalo ng isang anak ng Diyos sa pakikibaka ay maaaring dahil sa isa sa dalawang kadahilanan:

1) kung anong hindi pa natin natututunan o 2) kung paanong tayo ay nadaya. Ang ating katagumpayan at pagkatalo ay itinulak ng ating paniniwala. Maging ang lalim ng ating pakikipaglapit sa Diyos.

Sa tuwing pinipili natin ang kasalanan, tayo ay kumikilos sa isang kasinungalingan na ganito madalas ang sinasabi: Ang mundo ay tagabigay at ang Diyos ay tagakuha. Ang Biblia ang ating tiyak na tinatayuan patungkol sa kung anong totoo sa Diyos, sa ating mga sarili, sa ating nakaraan, sa ating kinabukasan, tungkol sa ibang tao, sa ating mga kaaway, sa mundo at sa susunod pa. Upang makalakad sa katotohanan at mamataan ang kasinungalingang napakahusay na pinaikot ng serpiyente, simulang suriin ang iyong mga pinaniniwalaan: Sino ang nagsabi sa iyo niyan? Ang mga pastor, tagapag-alaga, at mga guro ay mga kaloob sa atin, at tayo ay nilalayong yumabong sa ilalim ng kanilang tagubilin. Gayunpaman, sila ay maaasahan hanggang sa antas na ang mga sinasabi nila ay naaayon sa sinasabi ng Diyos. 

Malinaw na hindi natin natututunan ang ating pagkakakilanlan mula sa mga pastor at mga guro lamang.

Ang ating pagkakakilanlan ay hinuhubog din ng ating mga magulang, mga kapatid, mga kaibigan, mga taga-sanay, mga nagpapatupad ng batas, mga paaralan, mga karanasan, ang ating kapaligiran, at ang ating mga takot. Narito ang isang halimbawang panayam upang maging mas maliwanag sa atin ito:

Magbanggit ka ng ilang mga bagay tungkol sa iyong sarili. Alam ninyo, ako ay isang hangal. Napakamalas ko. Napakapabaya ko. Hindi ako marunong sa pamamahala ng pera. Pangkaraniwan lang ako. Hindi ako kaibig-ibig. Wala akong sentido kumon. Isa akong bigo.

Sinong nagsabi sa iyo niyan? Ang aking ina.

O ang dati mong kasintahan? Ang iyong kaklase? Ang iyong karamdaman? Ang iyong sarili na nagsasalita sa iyo?

Upang maayos na makalakad sa katotohanan, ang bawat "Sino ang nagsabi sa iyo niyan?" ay kailangang tuntunin mo pabalik sa Diyos sa Banal na Kasulatan, at, kung ito ay hindi nagkakatugma, kailangan itong ihagis. Sina Adan at Eba ay naniniwala sa isang kasinungalingan at itinali nito ang sangkatauhan sa putik kasama sila. Ang kanilang pagkatalo ay napakabilis at napakabigat at ang lahat ng ito ay dahil sa maling pagkakakilanlan. Ang panlilinlang ay laging magnanakaw.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Quest

Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng pangungusap ay nagpapahayag ng pag-uusisa, pagkakaroon ng interes, at marahil ay pagdududa. Ang tanong ay isang paanyaya sa kahinaan, sa pagiging malapit. Ang Biblia ay hindi lumalayo sa mga ganitong paanyaya. Paulit-ulit na nakikita natin ang mga anak ng Diyos na nagtatanong tungkol sa kanilang Maykapal. Nakikita rin natin ang Diyos ng sandaigdigan na nagtatanong sa Kanyang nilikha. Ang Paghahanap ay isang hamon na tanggapin ang paanyayang ito.  Matutong maghanap sa Banal na Salita, tumugon sa mga katanungan ng Diyos, at magdala ng iyong mga katanungan sa Kanya. Hayaan mong ang baluktot na bantas ay maging mapa mo na magtuturo sa iyo sa isang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama.

More

Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Women sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://www.lifeway.com/thequest