Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa

Conversations With God

ARAW 7 NG 14

Bilang isang nanay na ang mga anak ay nagho-homeschooling, bahagi ng bakasyon ay ginugugol ko sa pagtatakda ng mga layunin at pagbili ng mga kakailanganin para sa kurikulum. Walang ipinagkaiba ang tag-araw ng 1999, pero doble ang pagtutok ko nang panahong iyon dahil ipinagbubuntis ko noon ang aming ika-pitong anak na inaasahan naming lalabas sa Oktubre. Kailangan kong pag-isipang mabuti ang lahat bago pa dumating ang oras na wala na akong panahong mag-isip. 

Pagkatapos ng mahabang pagpaplano, isang malaking desisyon ang natitira pa. Si Samuel na mag-aapat na taong gulang, ay nahihirapan sa kanyang pagsasalita. Sa tingin ko ay kailangan niya ng speech therapy. Pero sa isang iskedyul sa paaralan kung saan ang isang simpleng pagsagot sa telepono ay maaaring makaabala, ang pagpunta sa therapy sa kalagitnaan ng araw ay maaaring makagambala sa atensyon ng pamilya. Sa kabilang banda, paano kung ngayong taong ito ang pinakamabuting panahon para kay Samuel, at naging tamad lang akong samahan siya sa isang simpleng klase? 

Hindi ko makakalimutan ang Sabado ng hapong iyon nang ako ay papalabas para maglakad-at-makipag-usap sa Panginoon. Ganito ang sinabi ko sa Kanya: "Ito ang kailangan kong malaman: Kailangan na bang mag-speech therapy si Samuel ngayong taong ito, o pwede ba akong maghintay hanggang mag-limang taon na siya?" Napakasimple at napakatiyak. Sumunod dito ay katahimikan, ngunit hindi ako nabagabag. Siguradong may ipapakita sa akin ang Panginoon. Alam ko ito dahil ginawa na Niya ito dati pa. Kaya't umasa ako sa Kanya.

Nang sumunod na araw ay Linggo, at nagsimba ang aming pamilya. Nang oras na para sa pangangaral, ginulat kami ng aming pastor na si Jessica Moffatt nang lumabas siya at lumakad sa gitna na ang kasuotan ay parang kay Suzanna Wesley (ang ina ni John Wesley, na siyang nagtatag ng iglesia ng mga Metodista). Sa sumunod na pagsasalita niya, inilarawan niya, bilang siya si Suzanna Wesley, at may puntong taga-Britanya, kung paanong napalaki ng isang ina ang kanyang labinsiyam na anak! Inilarawan niya ang kanyang pagpapakalinga sa Diyos sa maraming panahon, at pagkatapos ay nagsalita siya tungkol sa kanyang pag-aalala para sa kanyang anak na si Samuel. Napaupo ako nang mas tuwid. Si "Susanna" ay nagpatuloy sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na si Samuel Wesley ay limang taon noon at ni hindi pa nakakapagsalita kahit isang kataga. Bigla na lang isang araw ay nagsimula siyang magsalita sa buong pangungusap.

Habang nakikinig ako sa puwesto ko sa ikatlong hanay ng mga upuan, naririnig ko ang tinig ng Panginoon. "Hindi kakailanganing magsalita ni Samuel hanggang siya ay mag-limang taon. Maghintay ka hanggang sa isang taon para sa speech therapy." Anong kapayapaan, anong pananalig ang naging katuwang ng aking mga plano noong panahon ng taglagas na iyon. Nag-speech therapy nga nang sumunod na taon si Samuel, at talagang napakalaki ng nagiging pagbabago ng kanyang pagsasalita. 

Nais ng Panginoon na magtanong tayo sa Kanya ng mga partikular na katanungan at magabayan tayo ng Kanyang kalooban. Tunay ngang nagmamalasakit Siya sa mga detalye. 

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Conversations With God

Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!

More

Nais naming pasalamatan si Susan Ekhoff sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.amazon.com/Prayer-That-Must-Power-Conversational/dp/1496185560/ref=sr_1_1?ie=UTF8&qid=1498693709&sr=8-1&keywords=prayer+that+must%2C+the+power+of+conversational+prayer