Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa
Nakatala sa Banal na Kasulatan ang maraming pagkakataon ng pananaw at tagubilin ng Panginoon sa pamamagitan ng mga panaginip. Ibilang dito sina Jacob, Jose (anak ni Jacob), at Jose (ama ni Jesus sa lupa). At ang mga ito ay iilan lamang.
Ang paggalang sa mga naunang pangyayari sa Biblia ay nagbigay ng tapang sa akin upang hingin sa Diyos na kausapin ako sa pamamagitan ng mga panaginip. Paminsan-minsan lang mangyari, pero talagang nangusap ang Panginoon sa akin sa mabisang pamamaraan na ito.
May panaginip ako nang isang umaga na pinahahalagahan ko pa rin. May nakita akong isang mapanglaw na paradahan. Habang nagmamasid ako, may isang kaibigan ang naglakad papunta sa isang nakaparadang kotse, binuksan ang pinto sa likuran, at iniangat ang kanyang magulong anak papunta sa kanyang upuan sa kotse. Galit at naninipa ang batang babae. Matiyaga, mahinahon, at mahigpit na isinara ng aking kaibigan ang pamigkis sa gitna ng labis na panlalaban. Natapos rin sa wakas, napaupo na lang siya sa harap ng manibela na pagod na pagod at bagsak na.
Habang pinanonood ko ang eksena, talagang napansin ko ang kanyang mabuting pagtitiyaga, na aking hinangaan, at ganoon din, ang kanyang nakakabagabag na kabiguan, na dahilan ng aking pakikiramay. Bilang isang mas matandang ina, alam ko ang katotohanan—ito ay maikling panahon lang ng pagmamagulang. Ang mga gantimpala ng kanyang pinamuhunan ay magbubunga sa buhay ng kanyang anak, ngunit hindi siya dapat sumuko.
Labis ang aking pag-aalala na hindi niya maunawaan kung ano ang malinaw kong nakikita, kung kaya doon sa panaginip ay sinabi ko sa aking kaibigan, "Huwag kang susuko! Kumapit ka lang!"
Habang nanonood ako, may pagka-asiwang ginamit ng aking kaibigan ang telepono niya na tila may narinig siyang hindi malinaw pero hindi niya alam kung saan nanggaling. Hindi na niya nalaman kung sino ang nagsasalita o kung ano ang napag-usapan. Nagmaneho siya palayo nang walang pananaw ng karunungan.
Nang magising ako, isinalaysay ko ang aking panaginip at mga impresyon ko tungkol dtio. At tuloy-tuloy kong pinagnilay-nilayan ito nang taimtim buong umaga para sa posibleng kahulugan.
Makalipas ang ilang oras, ibinihagi ng Panginoon ang pakahulugan nito—at nagulat ako. Ang aking kaibigan ang sumagisag sa akin sa panaginip, at sa Kanya ang sumisigaw na tinig na nagbibigay pag-asa at lakas ng loob. Dumating sa akin ang panaginip sa panahong nahihirapan ako sa aking pagmamagulang. Nais Niyang malaman ko na labis ang Kanyang pagkalinga, at daraan ang aking pamilya sa iba pang kapanahunan ng buhay. Ang nakuhang kaalaman ko rito ay isang aral na hindi ko nalimutan dahil masasabi kong ipinamuhay ko ito sa panaginip.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!
More